Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya | Bandera

Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

Therese Arceo |October 31,2023
facebook
share this

Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

Therese Arceo - October 31, 2023 - 03:45 PM

Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

PUMALAG ang basketball player at model na si Ricci Rivero sa isang netizen na nandamay na ng kanyang pamilya sa isyung kinakaharap.

Matunog kasing muli ang pangalan ng binata matapos nitong ibandera ang kanilang relasyon ng beauty queen-politician na si Leren Bautista.

Marami sa mga netizens ang nangba-bash sa dalawa dahil noong mga panahong naghiwalay sila Andrea at Ricci ay itinurong “third party” si Leren na siyang itinanggi nila at sinabing wala silang relasyon at matapos nga ng ilang buwan ay tuluyan na ring in-out ng dalawa ang kanilang pagiging magdyowa sa madla.

Maging ang mga magulang ng binata ay hindi na rin napigil ang magbigay pahayag ukol sa mga nangyayari dahil nga marami na ang bumabatikos at nagsasabi ng mga hindi magagandang salita laban sa kanilang anak matapos ang kanyang dyowa reveal.

At nito lang nang i-call out ni Ricci ang isang netizen na nagsabing sana ay “kunin na ni Lord” ang kanyang pamilya dahil sa madalas raw na pagbanggit ng mga ito sa Panginoon o mga bible verse sa kanilang mga posts.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Sey ng netizen, “Etong pamilya ni Ricci Rivero dinadamay pa si God sa mga pinag sasabe nila. Kunin mo na nga sila God para matahimik na mga yan.”

Agad namang pinalagan ng binata ang netizen at ibinahagi ang screenshot ng komento nito sa kanyang Facebook account.

“If you think wishing death for my family makes you noble, i think your fascination with showbizness needs some serious reflection Mr. Magna Cum Laude of PUP,” saad ni Ricci.

Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

Kalakip ng kanyang post ay ang iba pang social media accounts ng netizen gaya ng Facebook at Instagram.

Kamakailan lang nang i-reveal ni Ricci sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala niya kay DJ JhaiHo na ilang beses sinubukang makipagbalikan sa kanya ni Andrea ngunit hindi siya pumayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey ni Ricci, “Hindi naman ako nagsasalita nung mga nakakasama at kausap din silang iba sa bars. Pumupunta siya ng condo ko ng madaling araw ilang beses for what? Para makipagbalikan.

“Nag yes ba ako? Hindi. Kasi ayoko na and sinabi ko yan sa kanya paulit-ulit. So I am the bad person here for not publicly telling everyone that I am single?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nanatili namang walang sey si Andrea ukol sa mga naging pahayag ni Ricci laban sa kanya.

Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng mga kampo na dawit sa isyung ito.

Related Chika:
Ricci Rivero, Leren Mae Bautista magkasamang nanood ng UAAP game, chika ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending