Leren aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci

Leren Mae Bautista aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci Rivero, pero…

Pauline del Rosario |October 30,2023
facebook
share this

Leren Mae Bautista aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci Rivero, pero…

Pauline del Rosario - October 30, 2023 - 12:04 PM

Leren Mae Bautista aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci Rivero, pero…

PHOTO: Instagram/@lerenmaebautista

MUKHANG apektado pa rin ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa mga natatanggap na maaanghang na salita mula sa haters at bashers ng relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Humirit pa nga ang Los Baños Councilor at sinabing mananaig pa rin ang katotohanan.

Kamakailan lang ay nakipagbardagulan si Leren sa comment section laban sa mga nagnenega sa paglantad ng tunay na relasyon nila ng basketbolista.

Magugunitang ang dalaga ang tinutukoy na dahilan ng maraming netizens kaya nagkahiwalay ang young actress na si Andrea Brillantes at Ricci.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Leren ang isang quote mula sa US-based motivational speaker na si Case Kenny na tinatalakay ang tungkol sa isang liwanag.

“A beautiful truth about life is that for every person trying to dim your light, there’s another drawn to your glow,” saad sa post ni Kenny na ni-repost ng konsehala sa kanyang FB page.

Kasabay nito ay may caption din siya kung saan inamin niya na talagang nasasaktan siya sa mga natatanggap na hate comments.

Gayunpaman, hindi daw ito ang dahilan upang gawin pa rin niya ang tama at sabay sabing lalabas pa rin daw ang totoong nangyari.

“Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it won’t stop me from doing what is right [white heart emoji],” sey niya.

Mensahe niya rin sa post, “We rise by lifting others. Not the other way around.”

“At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail,” aniya pa.

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Leren sa hiwalayan nina Ricci at Andrea matapos siyang mag-post na magkasama sila sa kaarawan ng basketball player habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna.

Sumunod diyan ay kumalat sa social media ang mga litrato na ilang beses nang spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.

Maraming beses na ring dinenay at itinanggi ng dalawa kung ano ang real score nila, pero kamakailan lang ay biglang inamin ni Ricci na girlfriend niya si Leren.

Hindi man idinetalye sa post ng basketball player, pero tila nilinaw niya na hindi naging third party si Leren noong magdyowa pa sila ni Andrea.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending