Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong 'Gen Z' version nina Darna at Valentina | Bandera

Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong ‘Gen Z’ version nina Darna at Valentina

Therese Arceo |November 01,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong ‘Gen Z’ version nina Darna at Valentina

Therese Arceo - November 01, 2023 - 08:30 PM

Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong 'Gen Z' version nina Darna at Valentina

KINAGILIWAN ng mga netizens ang naging Halloween costumes ng Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Belle Mariano.

Chika ng mga netizens, kung magkakaroon ng “Gen Z” version ang iconic characters na sina Darna at Valentina, talaga namang pasok na pasok ang dalawa para sa mga roles na ito.

Napa-wow ang netizens nang mag-ala Darna si Belle nang um-attend ito sa “Shake, Rattle, and Ball” habang pak na pak naman si Andrea nang magbihis ito bilang Lilith, unang asawa ni Adam na may hawak pang dilaw na sawa sa kanyang Instagram post para sa mythology-themed Opulence Ball.

Isang Kapmilya fan-based page ang tila nagpaparinig sa management ng Kapamilya network at sinasabi na bagay ang dalawang young stars na gumanap bilang Darna at Valentina kung sakaling magkaroon ulit ng remake ang naturang Pinoy superhero series.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sang-ayon naman ang madlang pipol lalo na ang mga tagasuporta nina Belle at Andrea sa Kapamilya fan-based page.

Matatandaang kamakailan lang nang matapos ang TV series adaptation ng ABS-CBN sa naturang superhero series na pinagbidahan nina Jane de Leon kasama si Janella Salvador na gumanap bilang si Valentina.

Narito ang ilang komento ng mga netizens ukol sa potensyal nina Andrea at Belle na maging Gen Z Darna at Valentina.

“Yes! They are both good in their craft.”

“Sobra pato sa perfect… Fit na fit talaga sa kanila yong role… Galing ni Andrea niyan as valentina sobraa…”

Wowwwww!!!! Pwedeng pwede….. Belle really is the Queen of Darna.”

“Perfect [emojis] may chemistry sila as enemies.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon naman ay abala parehas ang dalawa lalo na’t pareho silang may ongoing projects. Si Andrea ay bumibida ngayon sa series na “Senior High” habang si Belle naman ay busy rin sa “Can’t Buy Me Love”.

Related Chika:
Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending