Leren sa bashers na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci: ‘Ate lang!’

Leren sa mga basher na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci: ‘Ate lang!’

Pauline del Rosario |February 17,2024
facebook
share this

Leren sa mga basher na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci: ‘Ate lang!’

Pauline del Rosario - February 17, 2024 - 12:37 PM

Leren sa mga basher na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci: ‘Ate lang!’

PHOTO: Instagram/@theronniegriffinph

TILA walang makakasira sa relasyon nina Leren Mae Bautista at Ricci Rivero kahit patuloy silang niraratrat ng bashers at hate comments.

Parang ganyan ang nais iparating ng couple sa naging interview with King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk.”

Tanong ni Tito Boy sa dalawa, “Kahit your age difference has become an issue at may kumokontra sa inyong relasyon…how do you manage that? Do you care?”

Sagot sa kanya ng basketball player, “Ako, not so much.”

Gayundin ang sagot ng beauty queen-politician, “Hindi rin naman, Tito.”

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Kasunod niyan ay binanggit ni Leren na tila pinagtatawanan nalang niya ang mga nagiging komento sa kanila ni Ricci, lalo na pagdating sa 5-year age gap nila.

“Natatawa lang ako minsan. Kasi ‘yung pag sinasabi nilang tita daw po ako ni Ricci, sabi ko, ‘ate lang.’ Hindi naman tita, ate lang!” sey ng dating beauty queen habang natatawa.

Paliwanag niya, “In terms naman po doon sa age gap, feeling ko naman, nagkakaintindihan naman kami with the level of maturity that he has.”

“Sabi ko nga, mas mature pa siya kaysa sa akin pero ako ‘yung mas matanda,” pagtatanggol niya pa.

Recently lamang nang muling nilinaw ni Leren sa isang interview na pareho silang “single” ni Ricci bago pumasok sa isang relasyon.

“It’s very clear noong nagkakilala kami, single siya from what I know. Ako po, single po ako,” giit niya.

Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Leren sa hiwalayan nina Ricci at Andrea Brillantes matapos mag-post ang beauty queen nakasama niya ang basketball player sa kaarawan nito habang nagsasagawa rin ng outreach program sa Laguna noong nakaraang taon.

Mula niyan ay kumalat na rin sa social media ang mga litrato na ilang beses nang spotted na magkasama ang basketball player at beauty queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming beses na ring dinenay at itinanggi ng dalawa kung ano ang real score nila, pero makalipas ang ilang buwan ay biglang inamin ni Ricci na girlfriend na niya si Leren.

Hindi man idinetalye sa post ng basketball player, pero tila nilinaw niya na hindi naging third party si Leren noong magdyowa pa sila ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending