Pia ipapa-auction Miss Universe sash para sa HIV advocacy group

Pia ipapa-auction Miss Universe sash, dress para sa HIV advocacy group

Ervin Santiago - October 25, 2024 - 09:39 PM

Pia ipapa-auction ang Miss Universe sash para sa HIV advocacy group

Pia Wurtzbach

IBEBENTA ni Pia Wurtzbach ang ilang pag-aaring memorabilia bilang beauty queen, kabilang na ang kanyang 2015 Miss Universe sash.

Hindi naging madali para sa TV host-actress ang i-let go ang mga sash na nakolekta niya mula sa pinagdaanang pageant journey — mula sa Binibining Pilipinas hanggang sa maging ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

Pero dahil mas naging matimbang ang mga ipinaglalaban niyang adbokasiya, pumayag siyang i-auction ang ilang mahahalagang kagamitan na napakalaki ng koneksyon sa kanyang buhay at career.

Ang mga sash at iba pang memorabilia ni Pia ay magiging bahagi ng magaganap na auction sa Love Gala, isang makabuluhang event ng HIV advocacy group na LoveYourself.

Baka Bet Mo: 17-anyos na sex worker tinamaan ng HIV, nagsimula sa hooking app

Ito’y mangyayari sa darating na December 3, na naglalayong makalikom ng funds para sa youth center ng LoveYourself sa Taguig City.

“We’re just a little over a month away from the Love Gala! Sharing some pieces we’re auctioning…do you remember these?” ang mababasa sa caption ng Instagram post ni Pia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)


Bukod sa mga sash, makikita rin sa IG photo ng actress-beauty queen ang silver dress na isinuuot niya nang matawag siya sa Miss Universe Top 15, pati na rin ang kanyang mga lumang notebook.

Marami naman ang nagtanong kung bakit pumayag siyang ipa-auction ang kanyang mahahalagang gamit, feeling ba niya ay wala nang value ang mga pag-aaring memorabilia.

Sagot sa kanila ni Pia, “Of course they are (important)! They’re actually more sentimental to me than anything I’m auctioning off.

“All of my thoughts are in those notebooks. All the struggles, the training, the doubts.. everything! Letting them go doesn’t mean they don’t matter to me. They do. But I have a plan of turning them into something more memorable and lasting.

“I acquired these things during a very important time in my life… And since then, I’ve been so blessed,” ang sagot naman niya sa isang netizen na na-shock sa kanyang desisyon.

“I can’t think of a better way to give it back to the same community that helped me become who I am now,” sey ni Pia na nagsabing hindi talaga madali ang i-let go ang kanyang mga sash. Medyo naiyak pa nga raw siya about this.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But I’m ready. What’s meant to happen will happen,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending