Pinay bet sa 2015 Miss Universe baka malasin dahil sa Pacman
Natyempuhan namin ang reigning Binibining Pilipinas Universe na si Mary Jean Lastimosa noong mag-guest siya sa Aquino & Abunda Tonight recently. Mas maganda at charming pala siya sa personal.
Si MJ ang representative ng Pilipinas sa nalalapit na 63rd Miss Universe na gaganapin sa US Century Bank Arena, Florida International University sa Miami, Florida on Jan. 25.
Nasa Florida na si MJ kasama ang iba pang kandidata mula sa iba’t ibang parte ng mundo. A-yon kay MJ, handang-handa na siya para sa contest. She had enough training na raw.
After ng interview sa kanya nina Boy Abunda at Kris Aquino, sandaling nakipag-tsikahan kami kay MJ. Hindi pala siya aware na isa sa mga naimbitang hurado sa Miss Universe ay ang boxing champ nating si Manny Pacquiao.
Tinanong namin siya kung anong feeling na isa sa mga hurado ay kababayan din niya. Makakadagdag ba si Pacman sa confidence niya para manalo bilang Miss Universe 2014, “More than the confidence, he will serve more as an inspiration to me kapag nakita ko siya doon as one of the judges,” ani MJ.
Hindi naman nagwo-worry si MJ na baka “ilaglag” din siya sa scoring ni Pacquiao tulad ng ginawa raw ng isa sa mga naging Pinoy judge noon sa Miss Universe.
Meaning, instead na mataas ang ibigay na score sa kanya, e, babaan pa siya para umiwas sa isyu ng “partiality.” Sa pagkakapili kay Pacman as one of the judges sa Miss Universe 2015, siya na ang ikapitong Pinoy na naimbitahang maging hurado sa nasabing international beauty pageant.
Kabilang na siya sa hanay nina Gloria Diaz at diplomat Carlos P. Romulo (1974), Josie Natori (1989), Kuh Ledesma (1991), Emilio Yap (1994) at Lea Salonga (2011) na naging judge sa Miss Universe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.