Angelica Panganiban na-diagnose ng sakit na avascular necrosis
NAGING emosyonal ang aktres na si Angelica Panganiban nang ibahagi niya ang kasalukuyang sakit na avascular necrosis.
Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay” noong Lunes, December 18, naiyak ang aktres nang idinetalye ang pagkakaroon ng sakit sa buto.
Chika ni Angelica, namatay na ang bone tissue sa kanyang balakang dahil sa kakulangan ng blood supply.
“Kumbaga namatay ang hip bone ko. Nawalan na siya ng blood flow, hindi niya kayang gumaling on its own. Kailangan ng tulong, like ng operation, hip replacement, mga ganyan,” saad ni Angge.
Nang malaman nga daw ni Angelica ang kanyang sakit ay nakaramdam siya na tila “unfair” ang mga bagay bagay lalo na’t ngayon niya lang nae-enjoy ang buhay bilang isang ina.
“Nung naririnig ko ito, wait lang magte-37 pa lang ako. Tapos ngayon pa lang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Sabi ko pero bakit naman medyo unfair?’ Gusto ko pang i-enjoy ang mga ibinibigay sa akin,” lahad ng aktres.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat
View this post on Instagram
Nang mapag-alaman nga ni Angelica ang kanyang karamdaman ay agad silang naghanap ng “conservative approach” para sa iniindang karamdaman.
“So naghanap ako ng mas conservative approach para hindi muna tayo mapunta roon sa nakakatakot na surgery… Siguro nung nalaman ko lang ‘yon, narinig ko ‘yon hindi strong enough ang mind ko para tanggapin ‘yung ganung balita.
“So, nung nakahanap naman kami ng conservative approach na ito nga, better naman,” pagbabahagi ni Angelica.
Dagdag pa niya, “‘Yung procedure na ginawa sa akin is nilagyan ng stem cell ‘yung dead bones sa left and right hip.”
Chika pa ni Angelica, matapos ang kanyang stem cell treatment ay nakaramdam siya ng ginhawa sa nararamdaman.
“Yung progress niya is yung right leg ko better, less ‘yung pain. Though mayroon pa rin, kaya lang kasi ang sabi naman ng doctor is mga nasa eight weeks bago ko maramdaman ‘yung ginhawa na inasam-asam ko na halos isang taon na. So hopefully ay magtuloy-tuloy,” aniya.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat
Pagpapatuloy pa ni Angelica, “Talagang nagiging positive lang mentally ganun. Sabi nga nila i-manifest natin ‘yung healing.”
Gustong-gusto rin talaga ni Angge na gumaling para sa kanyang anak ns si Baby Bean.
“Talagang iniisip ko nun paano niya ako mae-enjoy bilang nanay kung limited ‘yung mga pwede kong gawin. Kasi ang tinanong ko nga, what if hindi ako magpa-opera? Ang sagot sa akin is disability so mas ayaw natin ‘yon. So hanggang may solusyon, hanap lang nang hanap ng solusyon,” sabi pa ni Angelica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.