Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But... ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat | Bandera

Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat

Therese Arceo |September 02,2023
facebook
share this

Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat

Therese Arceo - September 02, 2023 - 01:09 PM

Angelica Panganiban muntik nang sukuan ang pagbe-breastfeed: But... ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat
AMINADO ang aktres at first time momma na si Angelica Panganiban na muntk na niyang sukuan ang pagbe-breastfeed.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang pinagdaraanan bilang bago pa sa stage ng motherhood.

“Kapag may nagtatanong sakin ano ang pinaka mahirap na stage ng motherhood, mabilis kong nasasagot. BREASTFEEDING,” pagbabahagi ni Angelica.

Ngunit kahit na ito ang pinaka-struggle niya bilang isang ina ay ito pa rin daw ang pinaka-fulfilling bilang isang ina.

Chika pa ni Angelica, “But… ito rin ang pinaka fulfilling sa lahat. After a week of breastfeeding, muntik na ko sumuko. Iniisip ko na lang, kung kaya ng iba, kaya ko rin.”

Labis nga ang pasasalamat ni Angge sa mga naging inspirasyon niya sa kanyang breastfeeding journey.

“Kaya naman salamat sa lahat ng ina na naging inspirasyon ko at Lifeline ko. Sa mga panahon na duguan at puyat na puyat na ko.
Salamat sa inyo. Masaya akong nakikiisa sa breastfeeding awareness month,” sey pa ni Angelica.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik mag-breakdown bago makauwi sa kanyang mag-ama: Buti umabot ako bago matuluyan

Matatandaang noong Agosto ay ipinagdiwang ang Breastfeeding Awareness Month.

Hirit na mensahe pa ni Angelica, “Nagmamahal, inang may paltos, inang puyat, inang hawak ng anak ang oras. Pero inang masaya at kilig na kilig sa twing hinahanap ng anak.”

Marami naman ang super naka-relate sa mga struggles ni Angge bilang padede mom.

“Totoo yan mam angelica ako almost 3yrs nag breastfeeding ako sa bunso q subrang hirap pero worth it mam,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Isa kang Dakilang Ina [heart emojis] I’m a breastfeeding Mom also with my children and I’m so proud of it.”

“mahirap po talaga miss @iamangelicap kaya bilib po ako sayo na kahit celebrity ka eh di ka po nag inarteng magpasuso & gifted daw po pag nagpapasuso kasi di po lahat nabibiyaanf magka milk. ako po 16years straight nagpabreasfed sa 4 na anak ko po lahat po sila pure breastfeeding kaya ang tatalino at ang babait po nila. salute po sayo mam Angelica,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban ‘humugot’: Walang gulatan kung lumalayo loob ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending