Angelica Panganiban 'humugot': Walang gulatan kung lumalayo loob ko | Bandera

Angelica Panganiban ‘humugot’: Walang gulatan kung lumalayo loob ko

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Angelica Panganiban ‘humugot’: Walang gulatan kung lumalayo loob ko

Therese Arceo - July 27, 2023 - 09:38 AM

Angelica Panganiban 'humugot': Walang gulatan kung lumalayo loob ko

PALAISIPAN ngayon sa madlang people kung sino nga ba ang tinutukoy ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang cryptic post.

Kahapon, Huly 26, nagbahagi ito ng video sa pamamagitan ng Instagram patungkol sa mga advice sa mga bago o first time moms at sa mga taong nagnanais na bumisita sa mga ito matapos ang panganganak.

“Hmmm… until now hindi pa rin ako madalas kumustahin ng mga ferson. All they want is to see my baby. But not really ‘visiting’ me,” pagbabahagi ni Angelica.

Chika pa niya, hindi man lang daw siya kinukumusta ng mga ito.

“Not a single text on how’s my hip injury. If I still have postpartum blues? But nasasanay naman na ko,” sey ni Angelica.

Bandera IG

Baka Bet Mo: Angelica inakyat ang bakod ng ABS-CBN para umabot sa audition: ‘Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko parang ‘nasaan ako?’

Kaya nakakaloka ang kasunod na chika niya, na tila may pagbabanta, na posibleng layuan niya ang mga taong `yon.

“Pero walang gulatan kung lumayo loob ko ha!” sabi ni Angelica.

For sure ay ang mga taong malalapit sa kanya ang tinutukoy niyang ‘fersons’ sa kanyang Instagram story lalo na’t hindi naman magtatampo ang isang tao kung hindi to mahalaga sa kanya.

Ngunit tila may pagbabanta ang pagtatampo ni Angelica.

“Pero walang gulatan kung lumayo loob ko ha!” sey ng first time mom.

Sana ay kung sinuman ang tinutukoy ni Angelica ay maging maayos pa mapag-usapan nila ito at maging maayos ang kanilang relasyon.

Anyways, mukhang malapit na rin ang pagpapakasal ni Angge sa kanyang fiance na si Gregg Homan at ibinabahagi niya ang mga updates sa details ng magiging kasal niya sa kanyang YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending