Angelica inakyat ang bakod ng ABS-CBN para umabot sa audition: 'Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko parang 'nasaan ako?' | Bandera

Angelica inakyat ang bakod ng ABS-CBN para umabot sa audition: ‘Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko parang ‘nasaan ako?’

Ervin Santiago - July 11, 2023 - 07:54 AM

Angelica inakyat ang bakod ng ABS-CBN para umabot sa audition: 'Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko parang 'nasaan ako?'

Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Amila Sabine

NAKAKALOKA rin pala ang mga naging karanasan ni Angelica Panganiban sa pag-o-audition noon sa Kapamilya Network para tuparin ang kanyang pangarap na maging artista.

Isa na nga riyan ang pag-akyat ng Kapamilya actress na parang action star sa bakod ng ABS-CBN para lang makapag-audition.

“Nag-enjoy na ako mag-audition nang mag-audition sa kung saan-saan. Like nag-audition na ako for ‘Ang TV,’ umakyat pa nga kami sa bakod ng ABS-CBN.

“Kasi inabot namin yung cut-off like parang sasabihin natin parang 4 p.m. na hindi na nila papasukin ‘yung nasa dulo ng pila,” ang pag-alala ni Angelica sa panayam sa kanya ng “Celebrity Conversations” ng Star Magic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Chika pa niya, “Pero siyempre kami na madaling araw pa lang pumila na parang hindi namin matanggap na hindi kami makakapasok, hindi ba?

“So ‘yung mga parents binuhat kami, inakyat kami ng bakod para makapag-audition pa rin kami. Iyak ako nang iyak kasi nawawala ang mama ko parang ‘nasaan ako?'” natatawang rebelasyon ng Kapamilya star.

Feeling proud and grateful si Angelica sa pagiging original artist ng Star Magic na magse-celebrate ngayong 2023 ng kanilang ika-30 anibersaryo.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

“Masarap sa pakiramdam na kasabay mong nag-grow ‘yung mga tao, ‘yung nagbigay sa iyo ng project, ‘yung mga taong nag-alaga talaga sa iyo since day 1 na nag-artista ka, gumabay sa iyo. Ang sarap sa pakiramdam na sini-celebrate niyo ‘yung milestone na ito ng buhay niyo together,” mensahe pa ni Angelica.

Patuloy pa niya, “Ngayon mas na-open ‘yung platform sa atin like ‘yung streaming platforms. Mas lumalawak ang knowledge natin pagdating sa mga pelikula.

“Parang hindi lang sa bagong pelikula, kung maglo-look back ka sa mga classic films, maiisip mo na ‘oh wow ‘di pa pala ako nakakagawa ng ganitong klaseng pelikula.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“So ang sarap na makakita ng mga ganoong pelikula at ma-inspire na sana dito sa Pilipinas ay magkaroon din tayo ng opportunity na makagawa ng mga ganitong klaseng films.

“Maraming roles na gusto ko pang gawin. At saka ang sarap sa pakiramdam kasi ibig sabihin nun ay hindi nawawala ang hunger mo to learn and to explore more na parang, ‘tara game, gawa lang nang gawa,'” sey pa ng aktres.

Sa huli, ibinahagi ni Angelica ang most important lesson na natutuna niya sa entertainment industry, “To be loyal and to be grateful.

“May magandang reward ‘yon kapag nakita ng mga tao na makakapagkatiwalaan ka nila kasi alam nila na may loyalty ka,” sabi pa ni Angelica Panganiban na isa sa mga recipients ng Star Magic Loyalty Award.

Alex aminadong nasasaktan pa rin sa nangyari; naniniwalang may plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica Panganiban naloka sa regalo ni Kim sa kanyang baby: Parang kinakabahan ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending