Alex aminadong nasasaktan pa rin sa nangyari; naniniwalang may plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa | Bandera

Alex aminadong nasasaktan pa rin sa nangyari; naniniwalang may plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa

Therese Arceo |October 22,2021
facebook
share this

Alex aminadong nasasaktan pa rin sa nangyari; naniniwalang may plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa

Therese Arceo - October 22, 2021 - 12:15 PM

Alex aminadong nasasaktan pa rin sa nangyari; naniniwalang may plano ang Diyos sa kanilang mag-asawa

MATAPOS ibahagi ng TV host-actress and vlogger na si Alex Gonzaga sa social media ang matinding pinagdaanan, muling nagkuwento ang aktres sa kanyang KUMU account.

Aniya, isang araw bago nila malaman kung blighted ovum o anembryonic pregnancy nga ang pinagdaraanan niya ay iyak na siya ng iyak.

“A day before na malalaman natin kung blighted ako or what, ‘di ba umiiyak na ako non kasi nararamdaman ko na parang kinakausap ako ni Lord… parang pine-prepare ako,” pagkukuwento ni Alex.

Hindi rin daw niya ma-claim na mayroon ngang baby sa kanyang sinapupunan dahil parang may bumubulong sa kanya na hindi pa ito ang tamang oras para sa kanilang mag-asawa.

Dasal pa niya noon na sana ay i-prepare sila ng asawang si Mikee Morada sa kung ano man ang mangyayari.

Aminado si Alex na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sila ngunit alam nila at naiintindihan nila na may plano ang Diyos kung bakit hindi pa sila nabibiyayaan ng anak.

“Minsan hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa. Itong araw na ito, paggising ko sobrang lungkot ko pero nakakatulog ako… matatawa ako, mag-smile ako so parang ‘yun ang grace of God. ‘Yun ‘yung hindi mo ma-explain paano mo nagagawa pero nagagawa mo,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa niya, naging defense mechanism niya ang pagpapatawa lalo na noong araw na nalaman nila ang tunay na lagay niya.

Nagtataka raw kasi ang asawa kung bakit parang masaya pa siya sa kabila ng mga nangyari ngunit ‘yun pala ang paraan ng vlogger para maitago ang sakit na nararamdaman.

Nanghingi naman siya ng tawad sa netizens kung naging “secretive” siya sa mga nangyayari dahil inantay lang talaga nila na matapos ang proseso bago ibahagi ang buong pangyayari sa kanyang pagbubuntis.

Nagpasalamat rin si Alex sa lahat ng mga taong nagpakita ng suporta at nagbigay ng mensahe sa kanya.

“Parang minsan naiiyak na lang ako mag-isa kasi I always feel your love and you are all God’s instrument or parang ginagamit kayong lahat ni Lord para sabihin sa aking ‘You’re okay, maraming nagmamahal sa ‘yo’.

“Hindi nyo nalalaman na ‘yung simpleng message nyo, ‘yung simpleng ‘I love you. Kapit lang. Kaya mo yan. I’m praying for you’… Thank you for being an instrument of the Lord’s love.”

 

Related Chika:
Alex Gonzaga may payo sa mga aspiring vloggers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending