Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life Bandera

Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life

Therese Arceo - September 23, 2022 - 03:36 PM

Angelica Panganiban nanganak na: Bean waiting for you all my life
ISINILANG na ng aktres at first time mommy na si Angelica Panganiban ang kanilang panganay na anak ni Gregg Homan.

Pinangalanan nila ang kanilang baby girl ng Amila Sabine Homan na ipinanganak nitong Martes, Setyembre 20.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng kanilang baby na kita lamang ang mga mata nito.

“Bean waiting for you all my life,” saad ni Angelica kalakip ang pangalan nito at petsa ng kanyang pagkakasilang.

Agad namang umani ng samu’t saring komento ang Instagram post ng aktres mula sa kanyang mga kaibigan at mga netizens.

“OMG!!!!! Ayan na sha!!!!! congratulations momsy!!!!!! hello queen B!!!!!!” comment ng malapit niyang kaibigang si Kim Chiu.

Saad naman ni Janine Gutierrez, “Congratulations beautiful angge!!!!!”

“Sissssss congratulations!!!!!! She’s got your eyes,” sey naman ni Camille Prats.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Hirit pa ni Cherry Pie Picache, “Naku naman!!!!!! Abujing jing sabine!”

Bukod rito ay nag-comment rin sina Melai Cantiveros, Zanjoe Marudo, Antoinette Jadaone, Jodi Sta. Maria at marami pang iba.

Marami naman sa mga netizens ang curious sa itsura ng kanilang baby girl at talagang inaabangan kung kailan ito ipapakita nina Angelica at Gregg.

Kamakailan lang nang mag-post si Angge sa kanyang Instagram habang pinasasalamatan ang mga taong nakasama niya sa kanyang pregnancy journey.

“Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko,” sey ni Angelica.

Related Chika:
Angelica Panganiban, Gregg Homan magkakaroon ng baby girl: Secretly, ito ang ipinagpe-pray ko

Angelica hindi na kumuha ng kasambahay: Natuto akong maglaba at maglinis habang nagluluto

Angelica sinigurong hindi sasaktan ng dyowa: Alam ko naman sa simula, sakit ng ulo ito pero nilalaban ko

B-day message ni Angelica sa BF: Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin at mamahalin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending