Janno nilektyuran ng abogado: Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis, makamema ka, wagas! | Bandera

Janno nilektyuran ng abogado: Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis, makamema ka, wagas!

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 03:48 PM

NAGING malaking issue rin sa social media ang viral post ng komedyanteng si Janno Gibbs tungkol sa issue ng pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

Hati ang reaksyon ng publiko sa Instagram post ng aktor at TV host sa sinabi niyang, “Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran.

“Buti pa mayaman, maraming paraan Kawawa middle class, walang takas. Buti nlang wala, akong trabaho (rolling on floor emojis).

“Buwis-et (laughing emoji),” aniya pa.

Isang netizen ang nag-react dito at walang patumanggang minura ang veteran comedian. Ni-repost ito ni Janno sa kanyang Instagram account at binuweltahan ang hater.

“Ganito na ba talaga tayo ngayon? (disappointed faces emojis). Oo vocal ako sa mga social at political views ko. Pero laging mahinahon, disente at may halong komedya.

“Dahil sa vocal ako, alam kong may kaakibat itong kritisismo at open ako dito. Handa ako sa masinsinang diskurso.

View this post on Instagram

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


“Yun nga ang pakay ko e. Basta’t disente ang usapan. Pero kung bastos ka, marunong din ako nu’n, P*k*n*ng i*a mo ka!” matapang na resbak ng komedyante.

Sa Facebook namin nakita ang  reaksyon naman ng isang abogado tungkol sa naging pahayag ni Janno. Nilektyuran ni Nick Nañgit ng NCN Law ang comedian hinggil sa pagbabayad ng tax. Nagbigay siya ng anim na punto.

“1. Anong tax yan e simula pa lang ng buwan? Kung withholding tax yan, e recipient ka lang, so ang payor ang magwi-withhold ng tax. Bakit mo poproblemahin? Maka mema ka, wagas!

“2. Tamo, wala talagang babayaran ang mahihirap kung hindi sila kumikita ng lalagpas sa 250k sa isang taon. Pasalamatan mo si #PRRD, dahil ginawa niyang urgent ang TRAIN Law, kaya ipinasa agad ng Kongreso. At kung itinutumbok mo naman si #BBM, ibinasura na ng Korte Suprema ang mga petisyon na ume eme emeng tax evader siya. Magbasa ka!

“3. Pero, wait, ang binubuwisan ay kita, hindi dahil mahirap o mayaman. Kung walang kinikita, mahirap o mayaman man, e di walang buwis. Malay mo kung palamunin lang sila sa loob ng isang taon?!

“4. Ang mayayaman nagbabayad din ng buwis. So, anong may paraan? Iba ang mga korporasyon sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis. At hindi yan dahil mayaman o mahirap sila! Saang multiverse mo natutunan yan? Btw, kahit bansot, may bidyo ka nga pala?! Dakilang iskandalosa!

“5. Lahat binubuwisan, basta’t may kita. Ke purita, middle class, o mayaman, obligasyon yan sa Estado! Lahat ng Estado sa buong mundo ay naniningil ng buwis. Paano mabubuhay ang pamahalaan kung walang buwis? Ganun din sa pamilya! Paano mabubuhay ang pamilya kung walang kita ang nagtataguyod nito? Despwes, kmusta na kayo ni Bing?

“6. Kahit wala kang trabaho, nagbabayad ka pa rin ng buwis! Ungas nato! Kumakain ka, bumibili ng basic needs sa supermarket, at tumatawag sa telepono. Sa tingin mo, walang buwis na ipinapasa sa iyo ang mga suppliers at providers? May tinatawag na ‘liability for tax’ at ‘burden of tax.’

“Syempre, hindi mo yan alam at hindi abot ng utak mo ang kaalaman na yan, kaya dakdak ka na lang ng dakdak, at baka sakali nga namang may maawa sayo at bigyan ka ng trabaho?!”
Pahabol pa niya, “Magbanat ka ng buto, hindi yung e ema para may ayuda!”

Wala pang sagot si Janno sa matapang at maanghang na salita ng nasabing abogado patungkol sa kanyang hugot sa buwis.

https://bandera.inquirer.net/298664/message-ni-aicelle-santos-sa-bashers-youre-very-welcome-to-unfollow

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308599/angelica-binatikos-dahil-sa-tanong-tungkol-sa-sinisingil-na-tax-sa-customs-pati-nananahimik-na-boobs-dinamay
https://bandera.inquirer.net/291444/jamill-nag-delete-nga-ba-ng-youtube-channel-para-makaiwas-sa-pagbabayad-ng-tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending