Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto? Bandera

Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Reggee Bonoan |September 23,2022
share this

Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?

Reggee Bonoan - September 23, 2022 - 06:49 PM

Bakit nga ba binura ni Dennis Padilla ang mga posts patungkol kay Julia Barretto?
PINAGSABIHAN pala si Dennis Padilla ng manager niyang si June Rufino na isang Viva executive na burahin ang mga post nito tungkol sa anak niyang si Julia Barretto na napaka-unbecoming bilang ama ng aktres.

Ito ang pagtatapat ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Romel Chika at Morly Alinio na kaka-upload lang sa YouTube channel ngayong hapon na utos daw ng Viva honcho na si Vic del Rosario na alisin ni Dennis ang mga post niya.

“Nu’ng hanapin na ng ating mga kababayan ang (mga post, nawala na). Of course mayroon nang nakakuha matitindi ngayon ang mga Marites na reporters na bago pa burahin ng nag-post ay na-grab na kaagad para may resibo. Ang tanong, bakit binura ni Dennis Padilla ang kanyang mga post?” tanong ni ‘nay Cristy kina Romel at Morly.

Sagot ni Romel Chika, “Maraming nagtaka nga ‘nay!”

“Ganito ‘yun, ayon sa aking source ay tinawagan ni boss Vic del Rosario ang manager ni Dennis na si Tita June Rufino o tita June Torrejon. Ang sabi, ‘June, kausapin moa ng alaga mo, heto na naman mayroon na namang isyu sa kanila ni Julia lalalim na naman ng lalalim ito.

 

 

“Ang ginawa ni tita June kinausap si Dennis natural kasama na roon ang pagkastigo, di ba? Dahil si Julia ay nasa Viva rin (Viva Artist Agency). Ayaw ni boss Vic na kayo-kayo rito sa ating tahanan nag-aaway kayo, agad-agad binura ni Dennis ‘yun ang nangyari,”pagtatapat ni nanay Cristy.

Sabi naman ni Morly nab ago magsimula ang taping nila sa Showbiz Now Na ay tinawagan niya si Dennis para hingan ng reaksyon.

“Bago tayo umupo dito ay tinawagan ko si Dennis at nakausap ko siya, sabi ko, ‘Dennis ano ng aba ang tunay na kuwento rito.’ Ang sabi niya sa akin, ‘sa mga oras na ito Morly ay nasa taping ako babalikan kita.’

“So, sabi ko ‘sige waiting ako.’ Kasi sa pananaw ko rito ate Cristy both sides lahat sila ay may kasalanan, si Marjorie (Barretto), itong si Julia at itong at Dennis.

“Una si Marjorie sana bilang ina sabihan niya, ‘anak tigilan mon a ito, ‘wag mon a tirahin ang tatay mo dahil ganito ang tatay mo. Ikalawa, si Julia naman, sana bilang isang anak (ay) nanahimik na lang sana siya kung nasaktan siya ng tatay kasi dapat siya ang magpakumbaba dahil anak siya and third, nagulat din ako kay Dennis maganda n asana, eh. Kaya lang nu’ng lumabas ‘yung mga sinabi niyang ‘kung hindi mo aki mapapatawad, hindi rin kita mapapatawad.” Punto de vista ng co-host nina Romel at ‘nay Cristy.

At dito tinalakay ang sinabi ni Julia na 14 beses silang nagpalipat-lipat ng bahay dahil nga wala silang sariling bahay pa, bagay na sinagot ito ng tatay niya na siya ang gumastos sa dito noong malakas pang kumita ang aktor.

Nabanggit pa na at that time ay si Dennis ang provider ng mga anak na sina Julia, Claudia at Leon at pati ang pagbili ng Townhouse ay pera rin ng aktor pero nabanggit nito na tila walang alam ang mga anak tungkol dito dahil pumirma siya ng waiver na hindi siya makikihati rito.

Sabi nga ni nanay Cristy, “si Dennis naman talaga ang kumikilos noon sa kasagsagan ng dami ng trabaho.”

At sa kasalukuyan ang tinitirhang bahay ngayon ni Dennis ay kasing halaga lang ng kotse ng anak na si Julia.

“Ibig sabihin no’n, ganu’n kamahal ang halaga ng kotse ni Julia kumpara sa bahay (ni Dennis),” sambit ni ng batikang manunulat online/radio host.

Opinyon din ni Morly na kapag ang anak ay hindi sumusunod o sinusuwag ang magulang niya ay mas magandang manahimik na lang ang sila.

Katwiran naman ni nanay Cristy ay magkakaiba ang pananaw ng bawa’t isa lalo na sa pamilyang Pilipino na nabantad sa kasabihan na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak lamang.

“Kung hindi mon a kaya, mas mabuting iregalo mon a lang sa anak moa ng pananahimik mo kaysa batuhin ang anak mo. Pag binato moa ng anak mo, tatami sa anak mo, tatami sa ‘yo. Sa ‘yo rin ang pukol no’n,” matalinghagang paliwanag ni Morly.

Napakahaba ng talakayan nina nanay Cristy, Romel Chika at Morly tungkol sa mag-amang Dennis at Julia na mapapanood sa “Showbiz Now Na” sa YouTube channel.

Related Chika:
Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Claudine kay Dennis: Kuya Tama na, tumigil ka na please! Sumusobra ka na!

Dennis Padilla humirit uli kay Julia Barretto: ‘Pareho kami, hindi pa rin ako ready na patawarin siya…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending