Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya! Bandera

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Ervin Santiago |May 19,2021
share this

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Ervin Santiago May 19, 2021 - 10:43 AM

FEELING ni Marjorie Barretto, kayang-kaya nang idepensa ng mga anak ang kanilang mga sarili laban sa mga bashers sa social media.

Proud na ibinandera ng hindi na aktibong aktres ang katapangan ng kanyang mga anak sa pagharap sa mga hamon ng buhay, lalo na raw si Julia Barretto na literal na ngang lumaki sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Marjorie, lumaking mababait, responsable at palaban ang mga anak dahil na rin sa dami ng challenges na pinagdaanan nila sa buhay, kabilang na riyan ang panghuhusga sa kanila ng ilang tao.

“Because everything is made public, mas nauuna ang judgment pa kaysa ito pa nga lang nangyayari, may kwento na sila pagkatapos nu’n. It really does make it harder,” ang chika ni Marjorie nang mag-guest sa vlog ni Toni Gonzaga sa YouTube.

“But now that I see my kids are older, I think it’s rewarding when they’re older eh. Rewarding in a sense na I still worry about them kunyari ‘yan nga, ‘yung judgment or ‘yung bashing or like that. They all get it eh. All of them,” sey pa ni Marjorie patungkol sa lima niyang anak.

Patuloy pa niyang paliwanag, “Wala namang spare key. I want to start worrying about them, but I realize they’re strong on their own. They’re so strong na kung ano ang strength na nakita nila sa akin, napick-up na rin nila ‘yun.”

Pagdating naman sa anak niyang si Julia, “Ang wisdom naman niya comes from all her experiences in the industry. She grew up in the industry. And when she wanted to enter the business, I really said no. Then she really had to cry. I said, ‘It’s so cruel, it’s a different world.’”

Napilitan din siyang payagan ang anak na mag-artista dahil, “She really was crying. And she said ‘No, I can handle anything.’ So, her wisdom comes from a lot of hurt, a lot of pain a lot of forgiveness. So much.”

Ngunit may pagbabanta ang kapatid nina Gretchen at Claudine Barretto sa madlang pipol, “Si Julia, akala naman ng tao about her is like ‘Ah bata lang ‘yan’. You cannot underestimate her strength her. Sometimes, I’m like ‘Juls, ako na ‘yan.’ Ako na ‘yung nagwo-worry for her. She’s like ‘Mom, no. That’s nothing.’ She’s strong.”

Saludo raw talaga siya sa katatagan ni Julia bilang isang babae na alam kung ano ang gusto niya sa buhay at kung paano niya ipaglalaban ito.

“Julia’s been through so much issues. Since she was 16. And she can really handle herself naman. She’s very strong. But sometimes, it is so frustrating when you know the truth.

“You know the struggle of not talking? I don’t know if people pleaser ako. Maybe ayokong isipin ng tao na palengkera ako ganyan. Pero meron akong moments.

“I tell you and I always tell my kids, ‘I want to remind the person who always hits on my daughter na buhay pa nanay niya ha.’ Buhay na buhay ako. You better know when to stop.

“Bashers, they don’t count. To be honest, this is not addressed to them because just block and delete and they’re out of our lives. You know what I mean?

“It’s when these people continues to really paint a really ugly picture of my daughter, I think they just have to be reminded that there is hangganan. I can be nice and I can be quiet, but when I do talk, I tell the truth,” lahad ng celebrity mom.

“Ako naman I tell her ‘Just say when and I’ll talk’. Eh ayaw niya eh. No, no mom. It’s okay. Feeling niya yata she can still handle it eh.

“But I think she also saw that in me na kahit ano na ang ina-accuse sa akin, I just keep quiet. Nakikita niya ‘yun saken kaya siguro ganu’n siya,” diin pa ni Marjorie.

“I think that’s my reward. God gave me all these kids and alam ko ‘yung mga anak ko all I really want is to equip them for the outside world. And I think they’re more than equipped,” sabi pa niya.

Papuri pa niya sa girlfriend ni Gerald Anderson, “Mabait si Julia. What I admire about Julia is she is looking out for herself. Like now, she’ll do what makes her happy.”

“Marunong na siya na she’ll look out for herself, ‘yung happiness niya, whatever brings her peace,” dagdag pang pahayag ni Marjorie.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending