Marjorie hinding-hindi makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Gerald noong magkita sila sa ABS-CBN: 'Tumatak talaga siya sa akin' | Bandera

Marjorie hinding-hindi makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Gerald noong magkita sila sa ABS-CBN: ‘Tumatak talaga siya sa akin’

Reggee Bonoan |June 12,2023
facebook
share this

Marjorie hinding-hindi makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Gerald noong magkita sila sa ABS-CBN: ‘Tumatak talaga siya sa akin’

Reggee Bonoan - June 12, 2023 - 08:30 AM

Marjorie hinding-hindi makakalimutan ang ginawa sa kanya ni Gerald noong magkita sila sa ABS-CBN: 'Tumatak talaga siya sa akin'

Gerald Anderson at Marjorie Barretto

KAYA naman pala sobrang boto si Marjorie Barretto kay Gerald Anderson bilang boyfriend ng anak niyang si Julia Barretto ay dahil nakitaan na niya ito ng kabutihang asal noong hindi pa ito artista.

Ngayon lang ito naikuwento in public ni Marjorie sa YouTube channel niya nang i-guest niya ang aktor para ipagluto na rin ng paborito nitong ulam na chicken curry na in-upload nitong Linggo ng gabi.

Ang unang engkuwentro raw nina Marj at Gerald ay, “I have really an interesting story about ‘Ge on how I first met you.

Hirit ng aktor, “Hmmmm, lagi niya pong ikinukuwento ‘yun. Ha-hahaha!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


Pagpapatuloy ni Marjorie, “Many years ago, bagong-bagong artista ka pa lang or as a matter of fact hindi ka pa yata artista, kakalabas mo lang sa PBB (Pinoy Big Brother).

“I was in ABS-CBN tapos ‘yung part pa nu’ng radio station (DZMM) in that area hinihintay ko ‘yung sundo ko, I don’t know what I’m doing in ABS-CBN kasi hindi naman na ako masyadong active no’n as an artista and I’m sure (since) galing kang GenSan (General Santos City) at hindi mo rin naman ako masyadong kilala o naisip mo lang na ‘siguro dating artista ‘to.’

Baka Bet Mo: Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

“Bagung-bago pa lang si ‘Ge, he was with the group of people tapos mag-isa lang akong naghihintay ng car tapos ikaw lumapit sa akin. Ikaw lang sa grupo mo ang lumapit sa akin, you don’t remember this, right? Sabi mo ‘good evening’ kasi pagabi na ‘yun,” balik-alaala ni Marj.

“Hindi ko po maalala,” sambit ng aktor.

“Lumapit ka sa akin at wala pa ring lumapit from your group and ikaw palang at lahat kayo baguhan no’n,” say pa ng mom ni Julia.

Sabi naman ni Gerald, “E, kasi tita malayo pa lang mukha na po kayong artista and alam mo ‘yun? But as a person I say ‘hi’ naman lalo na (kung makakasalubong). Pero tita kasi sa GenSan kahit hindi ako nanonood ng TV may aura naman na artista kayo, may ganu’n, eh.”

Say pa ng dating aktres, “Tumatak lang siya sa akin kasi you went out of your way and you went up to me and say ‘good evening’ or whatever basta binati mo ako.

“Tumatak ‘yun sa isip ko at tumatak din sa akin ‘yung mga taong hindi lumapit sa akin. And pag-uwi ko niyayabang ko sa mga bata ’yun kasi gusto kong maintindihan ng mga anak ko ‘yung bumabati na kahit hindi kayo magkakilala. That’s why may soft spot ako for you that’s why we got close right away buti na lang binati mo ako,” sabi pa ni Marjorie.

“Naikuwento po sa akin ni (Julia) no’ng nagsu-shooting kami sa Japan,” pagbabahagi naman ni Gerald kay Marj.

“See, imagine mo ‘yun! So, first impressions are really good kaya ibig sabihin no’n mabait ka talagang tao,” saad naman ng mama ng girlfriend ng binata.

At napag-usapan na ng dalawa ang tungkol sa mga reklamo ng mga beteranong artista na hindi marunong bumati o rumespeto ang mga baguhan ngayon sa showbiz.

Napansin din ni Marjorie na kung sino ‘yung mga kasama noon ni Gerald ay sila rin ang mga kasa-kasama niya ngayon na ang katwiran naman ng huli ay dahil sila ang mga kasama niya noong hindi pa siya sikat at inaming kailangan niya ang mga taong dati na niyang kasama.

Nakuwento rin ni Marj na maganda ang influence ni Gerald sa anak nitong si Julia dahil tinuturuan nitong magnegosyo at hindi nag-aaway ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marjorie Barretto (@marjbarretto)


Sinabi ring close ang aktor sa bunsong si Erich dahil nawala ang fears nito sa lahat ng bagay na hindi pa nito nararanasan tulad ng pagtatampisaw sa batis at pagsakay ng escalator lalo na kapag nag-a-out of town sila at maraming adventure.

Kaya nasabi ng mama ni Juls na magiging good father si Gerald sa magiging anak niya dahil magaling siya sa bata.

Napansin din kung gaano kalapit sa magulang niya ang aktor at kung paano niya itrato ang mga ito at i-spoil kaya sinabing mabait at mabuti siyang anak.

“You brought the adventure in parang it all fell into place na parang pag adventure department si ‘Ge (in charge) na ‘yan. And I really appreciate that you’re always present pag may okasyon kasi importante sa akin ‘yun.

“The kids are all I have, so, prayers ko lagi na ang mga partners ng mga anak ko makasundo ko which is gagawin ko lahat para makasundo sila kasi ayoko namang mawala ang mga anak ko sa akin,” papuri ni Marjorie sa karelasyon ng anak.

Marjorie Barretto kontra sa pagpasok sa showbiz ng anak na si Leon: ‘Oh, my God! Please, I don’t like!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending