Marjorie Barretto nagbahay-bahay para ikampanya si VP Leni Robredo
TRENDING ngayon ang aktres na si Marjorie Barretto matapos itong tumindig at magsagawa ng house-to-house campaign para kay presidential candidate Vice President Leni Robredo kasama ang iba pang mga volunteers.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang kwento kung paano siya na-inspire na ikampanya ang para sa kanya’y karapat-dapat na mamuno sa Pilipinas.
“My family and I attended the Pasig rally more than a week ago. We had the best experience with fellow supporters of VP Leni. The energy really was different!” umpisa ni Marjorie.
Matatandaang nagpakita ng suporta para sa tambalang Leni-Kiko ang buo niyang pamilya at sa katunayan, isa rin sa mga nag-host sa Pasig sortie ay ang anak niyang si Julia.
“After the rally, I was energized to do more. There is a call and need to reach more people. This was the reason why I decided to do house-to-house yesterday with other volunteers because we want to convince more of our fellow Filipinos that VP Leni is the most qualified to lead our country,” pagpapatuloy ni Marjorie.
Labis raw na nag-enjoy ang ina nina Dani, Julia, at Claudia sa kanyang pagbabahay-bahay dahil bukas raw sa pakikipag-usap at pakikinig ang mga taong nakadaupang palad niya.
“Personal interaction really is the key because you get to explain why VP Leni is the right candidate for president,” esplika ni Marjorie.
Umaasa naman ang aktres at vlogger na sana ay may iba pang mga tumindig kasama nila para magbahay-bahay at bumisita sa palengke dahil nandito rin ang iba pang mga botante na hindi masyadong naaabot.
“Magsama-sama tayo kumatok sa mga bahay-bahay at palengke, makipag usap sa mga botante at kumbinsihin sila na iboto si VP Leni. Let’s do this every day until May 9!” sey pa ni Marjorie.
View this post on Instagram
Umani naman ng papuri mula sa mga kaibigan at netizens ang ginawa ng aktres na pagtindig sa kanyang sinusuportahang kandidato.
Maski ang tatlong anak ni VP Leni na sina Aika, Tricia, at Jillian ay nagpaabot ng pasasalamat sa ginawa ni Marjorie.
“Someone to look up to, thank you for making a stand for the county and its people. best move,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa pa, “I have so much respect to you, Marjorie. I seldom comment on people’s IG post but for u to do this and stand for what u believe despite the fact na you can just sit in the comforts of your home. Just admirable.”
May mga netizens rin ang humingi ng paumanhin sa aktres dahil sa ginawa nilang panghuhusga noon dahil sa mga kinasangkutan nitong kontrobersya.
“Si Ms. Marjorie yung taong hinusgahan niyo at binash ng todo, ayan, siya pa ang tunay na may malasakit sa pilipino at sa bansa. Pinaglalaban niya din kayo! Gising Pilipinas!” sey ng isang netizen.
Dagdag pa ng isang netizen, “Woooow i admit before na nahusgahan kita.soooorry..ngayon ko napatunayan na napaka buti ng iyong puso.pahalain ka ng Diyos.”
Isang netizen naman ang nangakong dedepensahan niya ang aktres maging ang mga anak nito laban sa bashers.
“I’ll protect you Ms. Marj from bashers, bashers mo man yan o ni julia that’s how I’ll thank you for standing up grabe unexpected yung efforts niyong pamilya!”
Related Chika:
Claudine, Marjorie magkasama sa New Year’s party ng Barretto family: nagkabati na nga ba?
Marjorie kay Dennis: People misjudged me…alam kong naging mabuti akong asawa
Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.