Claudine, Marjorie magkasama sa New Year's party ng Barretto family: nagkabati na nga ba? Bandera

Claudine, Marjorie magkasama sa New Year’s party ng Barretto family: nagkabati na nga ba?

Ervin Santiago |January 02,2022
share this

Claudine, Marjorie magkasama sa New Year’s party ng Barretto family: nagkabati na nga ba?

Ervin Santiago January 02, 2022 - 03:16 PM

Barretto Family

NAGKABATI na nga ba ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto bago tuluyang mag-goodbye ang 2021?

Yan ang tanong ng madlang pipol matapos kumalat ang mga family photo nila sa social media na kuha sa kanilang New Year celebration.

Ito ang unang pagkakataon na  muling nakita sina Claudine at Marjorie na magkasama matapos ang kinasangkutang iskandalo noong October, 2019 sa mismong burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto.

Sa naaabing lamay naganap ang pagbabati ng mag-inang Inday at Gretchen Barretto makalipas ang ilang taong alitan pero doon din nag-away nang bonggang-bongga sina Marjorie at Claudine na siyang kinampihan ni Gretchen. At ito’y nangyari sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero sa Instagram post nga ni Claudine nitong nagdaang Dec. 31, 2021, ibinandera niya ang naganap na reunion ng Barretto family sa mismong New Year’s Eve.

“Hi from Olongapo! Hello! Happy New Year!” ang pahayag ni Claudine sa video kung saan ipinakita rin niya ang anak na si Sabina, ang kuyang  si Mito Barretto at anak nitong si Lucas. Bumati rin ang anak ni Marjorie na si Leon Barretto, at ang sister-in-law ni Claudine na si Connie.

Kasunod nito, isa-isang itinutok ni Claudine ang camera sa kanilang mga handa para sa pagsalubong sa Bagong Taon na niluto raw ng kanyang sister-in-law. May naka-set up ding long table na nasa garden ng bahay.

Sabi pa ni Claudine sa kanyang mga kapamilya, “Happy new year, everybody! Love you!” 

Samantala, nagbahagi rin Sabrina at Leon sa kanilang Instagram Stories ng mga kaganapan sa kanilang family reunion.

Makikita nga rito si Marjorie at mga anak na nasa bandang kaliwa katabi ang inang si Inday Barretto habang nasa bandang kanang bahagi naman ng photo ang pamilya ni Claudine.
Posibleng nagkaayos na ang magkapatid pero pwede rin namang hindi dahil wala namang litro na magpapatunay na okay na nga ang dalawa. Maaaring um-attend lamang sila ng reunion para sa kanilang ina.
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Marjorie sa kanyang vlog noong May, 2021, nabanggit ni Marjorie na hindi pa siya nakikipag-ayos kina Claudine at Gretchen.

Ngunit aniya, “Parang there’s just too much pain na it’s just gonna be more peaceful kung hindi bati. But it doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi eh, hindi ganu’n.

“Definitely, not from a place of hate. I don’t look back at it na masakit pa yung dibdib ko. I won’t wish ill of them. It’s not coming from a place of unforgiveness. I just want peace.

“I can shut down from the judgment of other people. There’s much that they don’t really know that goes on behind that story. I refuse to share.

“We are public figures but we are not public property. Because at the end of the day, kahit anong sikat mo, pag-uwi mo, we are normal like everybody else. We have the same problems, the same needs.

“I want to protect that side of us because that side of the fame, that’s not forever. So ito na lang ang poprotektahan ko,” paliwanag ni Marjorie.

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Marjorie kina Claudine at Greta: It’s just gonna be more peaceful kung hindi bati…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending