Kathryn Bernardo ipinanalo ni ‘DJ’ sa ‘Family Feud’
MARAMI sa mga netizens sa Deluluverse ang kinilig nang banggitin ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang “DJ” nang mag-guest sa “Family Feud.
Nitong Biyernes, November 8, naglaro ang cast ng “Hello, Love, Again” para i-promote ang kanilang pelikula.
Nahati ang grupo sa dalawa, ang Team Kathryn kasama sina Direk Cathy Molina-Sampana, Lovely Abella, at Valerie Concepcion.
Ang kabilang grupo naman ay pinangungunahan ni Alden Richards kasama sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, at Jameson Blake.
Baka Bet Mo: Kathryn, Alden ayaw nang magkaroon ng part 3 ang ‘Hello, Love, Again’
View this post on Instagram
Ang Team Kathryn ang nanalo kaya sila ang maglalaro sa “Fast Money” round.
Kasama niya si Lovely na sumagot sa limang tanong ni Dingdong.
Nauna na ngang sumalang si Lovely at maswerteng nakasungkit ng 177 points kaya 23 points na lang ang kailangan ni Kathryn.
Isa sa mga tanong ay “naka-headset ka kapag ito ang trabaho mo?”
Sinagot ni Kathryn na call center agent ngunit nasabi na ito ni Lovely kaya nagpalit siya at sinabing “DJ”.
Tagumpay naman silang nanalo dahil nakakuha siya ng 26 points mula sa sagot na DJ o disc jockey.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa pagkaksabi ng DJ ni Kathryn.
“ALA ang una nyang sagot ay call center e, di pwede yun kasi nga nasagot na ni Lovely. Sino pa ba ang nagsusuot siempre disc jockey. Ang daming delulu pa rin,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Malamang DJ din MAISIP ko if ever naka headset Yung tao .. na relate agad sa tao na DJ hahahahah pass nayun Kay kathryn.”
“Sa wakas, naipanalo ni DJ si Kath kahit break na sila,” hirit naman ng isa.
Para sa mga hindi aware, DJ ang nickname ng longtime ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.