Kyle agaw-eksena sa b-day ni Andrea: Parang engagement party!

Kyle agaw-eksena sa birthday ni Andrea: Parang engagement party na!

Ervin Santiago |March 11,2024
facebook
share this

Kyle agaw-eksena sa birthday ni Andrea: Parang engagement party na!

Ervin Santiago - March 11, 2024 - 11:16 AM

Kyle agaw-eksena sa birthday ni Andrea: Parang engagement party na!

Andrea Brillantes at Kyle Echarri

KILIG pa more ang mga fans and supporters na nagsi-ship sa Kapamilya young stars na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri.

Feeling ng mga tagasuporta nina Andrea at Kyle, may “something” na talagang nangyayari sa dalawa base na rin sa kanilang mga social media post nitong mga nagdaang linggo.

Isa si Kyle sa mga special guest ni Andrea sa kanyang advance 21st birthday celebration kamakailan na ginanap sa isang yate kung saan present din ang ilan niyang kapamilya and close friends.

Bukas pa, March 12, ang eksaktong birthday ni Andrea pero nag-decide nga siya na magkaroon ng advance intimate celebration kasama ang mga taong malalapit sa kanya.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri masaya sa tambalan nina Francine at Seth: Alam naman ng management kung anong ikabubuti namin

Makikita sa ilang video sa social media ang ilang kaganapan sa birthday party ng Kapamilya star. Pinuno ng pink balloons ang yate kaya napakagandang tingnan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Base sa mga napanood namin sa social media, mukhang super happy naman ang birthday girl sa kanyang bonggang intimate celebration.

Feeling princess si Andrea with her pink dress with matching crown pa at sash habang nakasuot ng white polo ang mga boys including Kyle at white dress naman ang mga girls.

Sa isang video, mapapanood din si Andrea nakiki-sing and dance with her guests. Bumaha rin ng food, wines at champagne sa party.

Naging busy naman si Kyle sa pagkuha ng litrato at video ni Andrea kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang respective fans dahil napaka-supportive “boyfriend” daw ng aktor.

Pinusuan din ng netizens ang isang socmed post kung saan bini-video ni Kyle si Andrea habang papalubog na ang araw sa Manila Bay.

Narito ang ilang comments na nabasa namin sa social media mula sa mga supporters nina Andrea at Kyle.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri humingi ng dasal para sa kapatid: I love this girl 10x more than I love myself

“Lahat ng guest naka-white, her circle is giving ‘expensive’ and ‘exclusive’ vibes.”

“Sana kayo na lang talaga! Bagay kayo. We’ll support you two all the way! Huwag kayong mag-away ha!”

“Birthday bash lang ba ito? Parang engagement party na eh, parang ikakasal na ang KyleDrea!”

“Andrea, I love seeing you being yourself and surrounded by people who care for you without needing to publicize it. Happy Birthday Blythe!”

“Wala na, finish na. Sila na talaga! Why are Kyle & Blythe so cute!!!! He’s really giving jowa duties. omg,” sey ng isang faney.

Samantala, nag-post din si Kyle sa kanyang Instagram page ng photo ng nanay ni Andrea na si Belle Brillantes na siya raw mismo ang kumuha.

At mukhang nagustuhan naman ito ng ina ng aktres dahil ni-repost nito ang picture sa sarili niyang Instagram account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, abangers na ngayon ang lahat kung kailan ibabandera nina Kyle at Andrea ang tunay na estado ng kanilang relationship.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending