Kyle Echarri bukas ang puso para kay Andrea: 'You'll never know'

Kyle Echarri bukas ang puso para kay Andrea: ‘Maybe, you’ll never know’

Ervin Santiago |March 05,2024
facebook
share this

Kyle Echarri bukas ang puso para kay Andrea: ‘Maybe, you’ll never know’

Ervin Santiago - March 05, 2024 - 12:10 AM

Kyle Echarri bukas ang puso para kay Andrea: 'Maybe, you'll never know'

Andrea Brillantes at Kyle Echarri

BUKAS ang isip at puso ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri sa posibilidad na ma-in love siya kay Andrea Brillantes.

In fairness, nag-uumapaw naman kasi talaga ang chemistry ng dalawang ABS-CBN stars, na nagsimula sa pagtatambal nila sa hit TV and digital series na “Senior High.”

Pagkatapos nga ng naturang serye ay maraming nagre-request na bigyan ng solo project ang tambalan nina Andrea at Kyle kung saan mas maipakikita nila ang kanilang galing sa pag-arte.

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong nga ang binata kung posible bang mag-level up ang pagiging mag-best friend nila ni Andrea lalo na ngayong mas lumalalim pa ang kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri balak sumabak sa politika; nanawagan sa kabataan na magparehistro para makaboto

Ayon kay Kyle, wala namang imposible pagdating sa usaping love at hindi rin niya alam kung ano ang mangyayari sa future. Basta ang alam niya, meron na silang strong friendship ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


“Maybe you’ll never know. Hindi naman ako pwede humindi, hindi pwede umoo. You’ll never know what happens,” pahayag pa ng binata sa posibilidad na magkainlaban sila ni Andrea.

Pak na pak sa kanilang mga fans and supporters ang YouTube vlog ni Andrea kasama si Kyle kung saan pareho silang kumasa sa “Jowa for a day” challenge.

Baka Bet Mo: Chie umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Kyle: ‘Yung sa amin kasi, it’s a special bond…

Kilig overload ang mga eksena ng dalawang youngstars sa nasabing vlog kung saan talagang iisipin mong baka nga magdyowa na sila talaga sa tunay na buhay.

Game na game na umakting na magkarelasyon sina Andrea at Kyle with matching holding hands pa while walking sa BGC, kung saan sila lumafang at namasyal nang bonggang-bongga.

Samantala, naglabas ng music video si Kyle at ang kaibigan nila ni Andrea na si JK Labajo ng music video ng kanta nilang “Kasing Kasing.”

Sa tanong kung may special someone na ba siya na pwede niyang pag-alayan ng nasabing kanta, wala naman daw. Ibig sabihin mukhang single na single pa rin si Kyle until now.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo dear BANDERA readers, ano ang napi-feel n’yo kina Kyle at Andrea? Havey ba o waley. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending