Kyle Echarri nasasaktan pa rin sa pagkawala ng kapatid: It's hard

Kyle Echarri nasasaktan pa rin sa pagkawala ng kapatid: It’s hard

Therese Arceo |January 09,2024
facebook
share this

Kyle Echarri nasasaktan pa rin sa pagkawala ng kapatid: It’s hard

Therese Arceo - January 09, 2024 - 10:24 PM

Kyle Echarri nasasaktan pa rin sa pagkawala ng kapatid: It's hard

Kyle and Bella Echarri

HANGGANG ngayon ay apektado pa rin ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri sa pagkamatay ng nakababata niyang kapatid na si Bella.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang throwback photos nila ng kapatid bilang pagbati sa kaarawan nito.

Kung nabubuhay pa ang kapatid ni Kyle, 13 na sana siya ngayon.

Pag-amin pa ng binata, hirap pa rin siyang tanggapin na wala na ang kapatid.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri inialay ang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa namayapang kapatid; Seth Fedelin hindi nagpatumba sa mga pagsubok

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Happy birthday to my angel. I’ll be honest it’s been hard celebrating any and every occasion without you here,” saad ni Kyle.

Aniya, ito raw ang unang pagkakataong ise-celebrate nila ang kaarawan ng kapatid na hindi na nila ito kapiling.

Sey pa ni Kyle, “It’s your first bday up there and I can’t believe you’d be 13 today… you always had the biggest dreams and will always be the most talented little girl I’ve ever met in my life.”

Chika ng aktor, nami-miss na niya ang pagsasabi ng goodnight sa kapatid at sa ina at nami-miss na din niyang patawanin ito.

“I know you’re happy now Bella and that’s all Manong wants for you. I promise to make you proud always and I promise to take care of mama and papa just like I know you would,” pagbabahagi pa ni Kyle.

Hiling naman niya na sana ay nasa maayos na lagay ang kapatid sa bago niyang tahanan sa langit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy birthday again ta. I hope u get all your heart’s desires there in your new home in heaven,” bati ni Kyle sa kapatid.

Matatandaang May 2023 nang pumanaw ang kanyang kapatid dahil sa brain tumor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending