Tumawa, umiyak, ma-in love sa Korean movie na ‘Honeysweet’ nina Yoo Hae-jin at Kim Hee-seon: ‘Parang napanood din namin si Dolphy’
ENJOY na enjoy kami, pati na rin ang lahat ng mga nakapanood sa premiere night ng pinakabagong romcom Korean movie na “Honeysweet.”
Kaloka! Hindi namin in-expect na ganu’n kaganda at ka-entertaining ang movie na pinagbibidahan nina Yoo Hae-jin at Kim Hee-seon na binuhay sa amin ang mga alaala ni Comedy King Dolphy dahil sa galing din niyang magpatawa at magpaiyak.
In fairness, mula simula hanggang ending ay talagang tututukan mo ang bawat eksena sa movie kaya sure na sure kaming hindi masasayang ang pera n’yo sa panonood sa sinehan.
Sa simula ng “Honeysweet” ay laugh ka lang nang laugh dahil sa mga pinaggagagawa ng dalawang bida, pero nang magkainlaban na sila at humarap sa mga pagsubok at problema, paiiyakin ka naman ng pelikula.
Iikot ang kuwento ng “Honeysweet” sa love story sa pagitan ng isang snacks researcher na introvert at isang phone operator na extrovert.
Baka Bet Mo: Korean actor Yoo Min-gon 2 buwan umiyak pagkatapos ng shooting nila ni Bela Padilla sa Seoul…anyare?
Si Yoo Hae-jin, kilala sa mga Korean movies na “Veteran”, “Luck Key” at “Confidential Assignment” kung saan nakasama niya si Hyun Bin, ay gumaganap bilang si Chi-ho. 100% ang husay niya sa trabaho, pero zero ang kanyang social life.
Buong buhay ni Chi-ho ay nakatuon sa paggawa ng chichirya na patok sa panlasa ng mga tao.
View this post on Instagram
Siya mismo ay puro junk food ang kinakain at makakasama ito sa kalusugan niya. Pero bukod dito, may isa pa siyang problema: ang kanyang kuya na baon sa utang. Para matulungan niya ito, bibisita si Chi-ho sa loan company at doon makikilala si Il-young.
Si Kim Hee-seon, na bumida sa mga K-drama na “Tomorrow” at “The Lady in Dignity”, ay si Il-young na may personalidad na prangka at parang hindi nauubusan ng sigla. Siya ay single mom na naniniwala pa ring makakatagpo ng tunay na pag-ibig. Papatamisin niya ang matamlay na buhay ni Chi-ho.
Ibinahagi ng direktor na si Lee Han ang dahilan kung bakit si Yoo Hae-jin ang napili niyang maging bida.
Aniya, “The most important thing I consider in casting is whether the actor can express a full range of emotions effectively. In that regard, YOO Hae-jin has a deep and excellent balance of emotions.”
Samantala, lampas isang dekada nang huling lumabas sa pelikula si Kim Hee-seon kaya nag-alinlangan ito noong una na tanggapin ang proyektong ito.
Ibinahagi niya sa isang panayam na lumabas sa The Korea Times kung bakit siya napa-oo, “I requested more time to consider the role. Then, one day, the director sent me a two-page letter explaining why I was the right fit for Il-young. I was deeply touched. With a director who believed in me this much, I had no reason to hesitate any longer.”
Ang kwento ay hindi makukumpleto kung wala ang bigating supporting cast.
Si Cha In-pyo (What Happened to Mr. Cha?, Ongals) ay gumaganap bilang Suk-ho, ang kapatid ni Chi-ho na sugarol at walang trabaho. Si Jin Sun-kyu (The Outlaws, Extreme Job) ay si Byung-hoon, ang presidente ng kumpanyang pinagtatrabahuan ni Chi-ho.
Nandiyan din si Han Sun-hwa (When Winter Comes, Tomb of the River), ang sobrang emosyonal na si Eun-sook na tumutulong kay Suk-ho’s na hadlangan ang relasyon nina Chi-ho at Il-young.
Tunghayan ang maganda pero nakakalokang chemistry ng buong cast, at makibahagi sa tuwa’t sayang hatid ng “Honeysweet”. Palabas na ito ngayong araw, August 30, sa mga sinehan.
True ba, Taylor Swift nakipag-date sa ‘Train To Busan’ actor na si Gong Yoo sa Amerika?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.