Vico Sotto muling tatakbo bilang alkalde ng Pasig City
SIMULA ngayong araw ang filing ng certificate of candidacy para sa 2022 elections at may mga ilang kandidato ang nag-file para matapos na samantalang ang iba naman ay may pa-suspense pa kung anong posisyon ang tatakbuhin kaya hindi pa sila nagsa-submit ng COC nila, bagay na aabangan ng madlang pipol.
Pero hindi uso kay Pasig City Mayor Vico Sotto ang pa-suspense at drama effect dahil unang araw palang ay nagsumite na siya ng kanyang COC kasama ang magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes.
Sa kanyang FB page na may 1.6M followers pinost ni Vico na muli siyang kakandidatong mayor ng Pasig para sa ikalawang termino at kasama rin sa larawan ang kakandidatong Vice Mayor niya na si Dodot Jaworski.
Aniya, “Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense (emoji laugh). Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.”
Nabanggit ni Mayor Vico na technically ay siyam na buwan siyang naglingkod bilang mayor bago dumating ang COVID 19 pandemic.
“Simula 2019, ang laki na ng pagbabagong naipakilala natin sa Pasig. Sa pagbubukas pa lang ng procurement/bidding, nasa 1 BILYON PISO KADA TAON ang binaba ng mga presyo ng mga binibili/pinapagawa ng LGU.
“Ngunit nahirapan tayo at maraming proyekto na naantala dahil sa pandemya. 9 months lang ako naging mayor sa normal na sitwasyon.
“Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng covid-19.
“Nandiyan na ‘yung mga reporma. Iba na ngayon. Paiigtingin na lang natin at sisiguraduhin na damang dama ng bawat Pasigueño ang mas pinabubuting serbisyo ng pamahalaang lungsod.
“Ang hiling ko lang sa inyo, bigyan niyo ako ng mga kasanggang MAPAGKAKATIWALAAN natin. ‘Yung hindi puwesto o pera ang habol, kundi yung magiging katuwang ko para paigtingin pa ang mga reporma’t serbisyo ng pamahalaan.
Sa Pasig, umaagos ang pag-asa. Patuloy tayong magsumikap para lalong palakasin ang pag-agos nito.
#PasigCity2022 #WorkBeforePolitics
“P.S. pasensya na sa mga supporters na gustong sumama, hindi na ako nag-imbita… sumunod muna tayo sa Comelec health protocols.”
Umabot naman sa 108K ang nag-like at 7.6 shares ang post na ito ni Vico bukod pa sa kulang 5k na pawang encouraging comments at sinabihan ang mamayan ng Pasig na huwag ng maghanap ng iba pa.
Tulad ni @Bunny Manera, “The most simplest & right way of filing candidacy. No fanfares & the usual brouhahas! Only his good heart, pure intentions & lovely parents are enough to make more Pasigueños realized that we are on the right track. But to quote our good Mayor Vico Sotto ‘s plea to let us help him have the right people around him… “VOTE ACCORDING TO YOUR CONSCIENCE! (emoji thumbs up).
Naaliw naman kami sa komento ni @Yingying Prestosa, “I cannot vote for you for now as I am from another city. But I am waiting for your president candidacy on 2030 Mayor Vico! My 10 y/o niece is so excited also to vote for you then. GOD bless always!”
Sabi naman ni @Bimbi Cardenas, “YOU ARE INDEED THE EPITOME OF REFORM! A TRUE PUBLIC SERVANT. KUDOS MAYOR VICO!”
Payo naman ni @Van Speaks, “Oh, ‘wag na kayong lumaban pa pag alam n’yong mabuti at maganda ang mga ginagawa, ‘wag nyo nang palitan at baka magkamali pa kayo sa ipapalit.”
Sinang-ayunan din ni @Lizie Ramos Jamisola, “Tama hayaan nalang muna si mayor Vico Ang humawak ulit Ng Pasig.”
Pag ayaw na raw kay Mayor Vico ay kinukuha siya sa ibang lungsod mula kay @Belen Gaspar, “Pag ayaw n’yo na sa kanya, pakisabi kay mayor Vico lipat na lang sya sa amin. Need namin yung kagaya nya.”
Say din ni @Jhoven Jumao-as, “Sayang ang mga ganitong Meyor kung maghahanap pa kayo ng iba o ipapalit sa kanya marami na s’yang nagawa at magagawa pa, isa pa may takot sya sa Diyos kesa du’n sa ipapalit n’yo na hindi n’yo pa alam kung anong klaseng pagpapatakbo ang gagawin sa Pasig kaya “VOTE WISELY” Vote mayor Vico Sotto for MAYOR.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.