Bea todo kilig sa ‘extraordinary project’ nila ni Ryan Cayabyab, mag-ala singer na rin kaya?
Sasabak na rin ba sa kantahan ang Kapuso actress na si Bea Alonzo?
‘Yan ang naging tanong ng maraming netizens sa latest Instagram post ng aktres.
Proud na ibinalita kasi ni Bea na may niluluto siyang bagong proyekto kasama ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.
Sinabi pa ng Kapuso actress na kinilig siya nang makilala sa personal ang music genius at nang malaman na makakatrabaho niya ito.
Caption niya sa IG post, “Today, I met THE Mr.C! So kilig that I will be working with a national artist for an extraordinary project soon.”
Tuwang-tuwa din si Bea dahil sinabihan siyang hindi pang-banyo ang kanyang boses sa pagkanta.
Bagamat hindi pa idinetalye ng aktres ang magiging proyekto nilang dalawa, sinabi niya na natupad ang isa sa kanyang mga pangarap.
Sey niya, “Thank you, Mr.C for your encouraging words today! (made my week!) hindi lang daw pang banyo ang boses ko! [laughing face emoji].”
“I can’t wait to share with you guys about this project! I will be ticking this off my bucket list!,” aniya.
View this post on Instagram
Siyempre pati ang fans ni Bea ay nae-excite na sa magiging pasabog ng kanilang iniidolo.
Mababasa pa sa comment section na ang hula ng marami ay magkakaroon ng musical project si Bea.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Teatro o musical? I’m in! Exciting times ahead! [red heart emojis]”
“Omggg goodluck Bea, you have the singing voice naman talaga..you can sing live beautifully [mic emoji]”
“Woooow! [fire emoji] Musical??? Pansin ko there’s so much on your plate, B! Meetings after meetings, sana naman may masimulan na [folded hands emoji].”
Related chika:
Ryan Bang tinuruan ng ‘tambay starter pack’ ni Herlene Budol: Gusto ko pag-ibig
Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.