Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas | Bandera

Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas

Therese Arceo |June 25,2022
facebook
share this

Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas

Therese Arceo - June 25, 2022 - 02:33 PM

Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng 2 anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas

HINDI mapigilang mapaluha ng actor-comedian na si Dennis Padilla matapos mapanood ang video na in-upload ni Ruffa Gutierrez.

Matatandaang matapos ang 15 years nang hindi pagkikita ay muling na-reunite ang mga anak ni Ruffa na sina Venice at Lorin sa kanilang amang si Yilmaz Bektas at ngayon nga’y pabalik na ang mga ito sa bansa matapos ang 12 days na pagbabakasyon sa Istanbul.

Isa nga si Dennis sa mga naantig ang puso matapos mapanood ang video ng mag-aama.

“Grabe… Ruffa this video made me cry,” comment nito.

Tila nakaka-relate naman si Dennis sa video dahil matagal na rin buhat nang makita at makapiling niya ang kanyang mga anak na kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon.

Sa katunayan ay ipinost pa nga niya sa kanyang Instagram ang screenshot ng video.

“Most precious moments… It broke my heart… This made me… (crying emojis),’ caption ni Dennis.

Usap-usapan ngayon ang magkakapatid na Barretto matapos mag-viral ang Instagram post Dennis ng kanilang larawan kalakip ang mensahe na tila nakalimutan nilang batiin ang ama noong nagdaang celebration ng Father’s Day.

Una niyang pinost ang larawan nina Julia at Claudia na may caption na “Miss you both. You forgot to greet me last Sunday. Love you. God bless you more.”

Sumunod naman ay ang larawan nila ni Leon na may caption namang “Leon, you forgot to greet me last Sunday. Love you, ingat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Agad ring binura ni Dennis ang kanyang post ngunit mabilis ang mga netizens kaya na-screenshot agad ito at kumalat nga sa social media.

Marami tuloy ang nagpaabot ng pakikisimpatya sa aktor dahil masakit naman talaga para sa isang ama ang makalimutan sa kanilang espesiyal na araw.

May mga nagsasabi na baka hindi na naman magkasundo ang mag-aama kaya naman hindi nila binati ang ama. May ilan rong nagtatanggol sa partido nila Julia na hindi naman daw alam ng publiko ang kuwento at sana’y huwag i-judge ang magkakapatid.

Nang makapanayam nga ni Ogie Diaz si Marjorie sa nagdaang Thanksgiving party ni outgoing Vice President Leni Robredo ay sinabi nitong soon ay maglalabas sila ng statement.

Umaasa rin si Marjorie na ipagpapatuloy ni Dennis na protektahan ang mga anak kahit magkakalayo sila.

Tungkol nga kaya saan ang ilalabas na statement ni Marjorie na may kaugnayan kay Dennis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, sana ay maayos na ang lahat sa pagitan ng mag-aama kung mayroon man silang hindi pagkakaunawaan.

Related Chika:
Julia umaming natakot, na-trauma noon kay Dennis: Pero hindi ako sumuko…

Father’s Day hugot ni Dennis kay Julia, 2 pang anak: You forgot to greet me last Sunday…hehehe! Love you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending