Xian Gaza nag-DM kay Joshua: Kung alam ko lang, matagal na kitang pinormahan
TRENDING ngayon ang social media personality at self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza matapos itong mag-send ng direct message sa aktor na si Joshua Garcia.
Ito ay may kinalaman sa mysterious girl sa likod ng Instagram stories ng aktor na nakilala bilang si Trina Guytingco, team guard ng Ateneo Women’s Basketball at isa sa mga malalapit na non-showbiz friend ng box-office queen na si Kathryn Bernardo.
Marami kasi ang curious kung ano nga ba ang papel ng dalaga sa buhay ni Joshua at bilang self-proclaimed “Marites” ay nag-message si Xian sa aktor.
View this post on Instagram
“Joshua, kung alam ko lang na type mo pala yung mga itsurahan ko eh sana matagal na kita inawrahan,” message niya sa aktor sa Instagram.
Bukod dito ay sinend rin ni Xian ang larawan ng dalaga pati na rin ang kanyang selfie para ipakita ang “pagkakahawig” nila ng dalaga.
Parehas kasing may nunal sa mukha sina Trina at Xian.
Marami naman ang natawa sa ginawang kalokohan ng “Pambansang Marites na Lalaki” kaya hindi na rin kataka-taka kung nag-viral agad ang kanyang post.
Umabot na nga ng 93k haha reactions at 7.6k shares ang original post ni Xian.
Samantala, nananatili namang tahimik si Joshua ukol sa tunay na namamagitan sa kanila ni Trina Guytingco.
Umugong ang mga chika na may “something” sa pagitan ng aktor at ng kaibigan ni Kathryn dahil sa mga ina-upload na Instagram stories ni Joshua na babae na kung hindi nakatalikod ay nakatagilid at hindi makita ang buong mukha.
Wala namang problema lalo na’t matagal na ring walang dyowa si Joshua.
Related Chika:
May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?
Ogie Diaz kay Xian Gaza: Tigilan mo na ang pagiging Marites!
Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.