Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby

Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby nang mamatay ang ina

Ervin Santiago |January 02,2024
facebook
share this

Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby nang mamatay ang ina

Ervin Santiago - January 02, 2024 - 08:18 AM

Iza Calzado umaming natakot mabuntis at magka-baby nang mamatay ang ina

Ben Wintle, Iza Calzado at Baby Amigan

* Trigger warning: Ito’y naglalaman ng isyu sa depresyon at suicide

NANG dahil sa nangyari sa kanyang ina, nakaramdam ng matinding takot ang award-winning actress na si Iza Calzado na maging isang ina.

Dumating daw talaga yung panahon na parang hindi niya kayang panindigan ang pagiging nanay lalo na kapag naiisip niya na baka matulad din siya sa sinapit ng kanyang ina.

Napag-usapan ang tungkol dito nang ma-interview si Iza ni Toni Gonzaga para sa kanyang YouTube channel na “Toni Talks”.

Naalala kasi ni Toni ang panayam kay Iza ng “She Talks Asia” noong 2019 kung saan naibahagi ng celebrity mom ang nangyari sa kanyang inang si Mary Ann Ussher.

Sa nasabing video, sinabi ni Iza na dumaan sa matinding depresyon ang ina hanggang sa pumanaw ito noong 2001 matapos kitlin ang sariling buhay.

Baka Bet Mo: Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala

“My mom had a mental illness, a condition. She had a temper, could flare up. Eventually she became manic depressive, and eventually bipolar was the last term,” ang pahayag ni Iza noon sa “She Talks Asia.”

Sa panayam ni Toni kay Iza, natanong nga ang tungkol sa pinagdaanan niya noon dahil 19 years old pa lang siya nang mamatay ang kanyang nanay.

“That’s one of the reasons why,” pag-amin ni Iza.

“Dahil?” follow-up na tanong ni Toni.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Because I was afraid I would end up like her. I was afraid…something would happen to me mentally. Yeah, I was scared.

“I was scared that I went through, my child may go through, you know, all these fears,” sabi pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

Isa raw sa natutunan niya sa isang linya ng kanyang na si Patty sa pelikulang “Starting Over Again” kung saan nakasama niya si Toni, na “In love, there is no fear.”

“But I was operating from a place of fear for the longest time. And you know noong nabuntis ako, sabi ko: ‘Grabe, ito pala ang so much love resides in me that I didn’t even know existed before,’” sey pa ni Iza.

Sa isa naman niyang post sa Instagram, ibinandera ng aktres ang mga photos niya kasama ang asawang si Ben Wintle at ang anak nilang si Deia Amihan na kuha sa pagsalubong nila sa Bagong Taon.

“2023 will always be the year when we received God’s biggest blessing. The year our star, our guiding light was born.

“Thank you for changing us and making us better humans, Deia Amihan! Praise God for this gift!” aniya sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naganap ang beach wedding nina Iza at Ben noong 2018 at isinilang naman si
Deia Amihan last March 26, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending