Jesi sa artificial insemination: Hindi ko kayang gawin natural way

Jesi Corcuera sa artificial insemination: Di ko kayang gawin natural way

Ervin Santiago - October 10, 2024 - 12:15 AM

Jesi Corcuera sa artificial insemination: Di ko kayang gawin natural way

Jesi Corcuera

BABY girl ang ipinagdadalang-tao ng  “StarStruck” Avenger at proud transgender man na si Jesi Corcuera.

Hindi pa man isinisilang ni Jesi ang kanyang magiging anak na nabuo sa pamamagitan ng artificial insemination, ay may tawag na siya rito — si Baby Ninja.

Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, nabanggit ng ka-batch nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa “StarStruck” ang una niyang ginawa nang malamang successful ang kanyang pagbubuntis.

“Noong nalaman ko na buntis na ako, namili kami kaagad ng gamit. Tapos hindi ko alam ‘yung tawag doon sa baru-baruan.

“Ang tingin ko doon parang damit ng Ninja. So, sabi ko, ano ba ‘yung pang-Ninja na damit?” masayang kuwento ni Jesi.

Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate at proud transman na si Jesi Corcuera buntis

Dito, ipinaliwanag din ni Jesi kung bakit gusto niyang magkaroon ng sariling anak, bukod sa mga anak ng partner niyang si Camille.

“May pagkakataon kasi na hindi ko naiintindihan si Camille as a parent. Parang may mga times na nagseselos ako. Isa ‘yon sa reason. And kapag tumatanda ka na natatakot kang maging mag-isa,” esplika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jesi Corcuera (@corcuerajesi)


At dahil nga nagdesisyon siyang magkaanak sa pamamagitan ng artificial insemination, talagang itinigil niya ang pag-take ng mga gamot (transition sa pagiging lalaki) bilang paghahanda sa kanyang pagbubuntis.

Pagpapatuloy pa niya sa pinagdaanang proseso, “In the making talaga nito ni baby halos 3 years, ‘yun pa lang sa decision making sobrang hirap na po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko kayang gawin natural way. So, artificial insemination,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending