Honeylet Avanceña posibleng kasuhan ng PNP ng direct assault

Honeylet Avanceña posibleng kasuhan ng PNP ng direct assault

Therese Arceo - March 13, 2025 - 05:11 PM

Honeylet Avanceña posibleng kasuhan ng PNP ng direct assault

PINAPLANO na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng reklamong “direct assault” laban sa common-law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Nitong Huwebes, March 13, sinabi ng spokesperson na BGen. Jean Fajardo na pinaplano na raw nila ang paghahain ng direct assault matapos ang pananakit ng ginang sa isang Special Action Force (SAF) personnel.

Nangyari ang pananakit ni Honeylet sa isa sa mga miyembro ng PNP habang sinisilbi ang warrant of arrest kay Duterte.

Bukod kay Honeylet ay plano ring sampahan ng reklamong “obstruction of justice” dating presidential legal counsel ni Duterte na si Salvador Medialdea.

Baka Bet Mo: Kitty ibinandera ang pagmamahal sa ama: ‘I’m your daughter! I’m a Duterte!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa PNP, nagkaroon ng malaking bukol sa noo ang Special Action Force (SAF) personnel matapos siyang pukpukin umano ng cellphone ng common-law wife ng dating pangulo.

Sa katunayan, inilabas nila ang mga larawan ng naturang personnel kung saan makikita ang malaking bukol nito pati na rin ang video ng pamumukpok nito.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo nina Honeylet Avanceña at Salvador Medialdea tungkol sa pinaplanong pagsasampa ng kaso laban sa kanila ng PNP.

Naninindigan naman ang mga awtoridad na hindi sila gumamit ng “excessive use of force” nang arestuhin si Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Samantala, wala pang pahayag ang kampo nina Avanceña at Medialdea hinggil sa planong pagsampa ng kaso ng PNP laban sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending