Go una sa SWS survey, 9 Alyansa bets pasok sa Magic 12
Eleksyon 2025 - Bandera April 21, 2025 - 01:15 PM
NANGUNA si re-electionist Senator Christopher “Bong” Go sa pinakabagong senatorial preference survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nakuha ni Go ang 45% sa survey ng Social Weather Station (SWS), na isinagawa noong Abril 11 hanggang 15 at sinagutan ng 1,800 rehistradong botante.
Sumunod sa kanya sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo (43%) at Sen. Lito Lapid (34%).
Binuo ang Top 5 nina dating Sen. Vicente Sotto III at Sen. Pia Cayetano, na kapwa nakakuha ng 33%.
Baka Bet Mo: Bong Go awang-awa kay Duterte: Alam n’yo bang wala siyang tsinelas?
Nasa ika-anim na puwesto si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at kapwa nakakuha ng 31% sina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at Ben Tulfo para sa ika-pito at ika-walong puwesto.
Ika-siyam si Makati City Mayor Abby BInay (29%) at ika-10 si House Deputy Speaker Camille Villar (28%).
Nasa ika-11 at ika-12 na puwesto ang kapwa dating senador na sina Panfilo “Ping” Lacson (26%) at Manny “Pacman” Pacquiao (25%).
Maliban kina Go at dela Rosa, na kapwa kandidato ng PDP-Laban, at Ben Tulfo, na isang independent candidate, ang siyam na iba pang pumasok sa “Magic 12” ay pawang kabilang sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.