Mark kay Eldrew: Tahimik mong ipanalo ang pangarap mo anak

Mark Andrew Yulo kay Eldrew: Tahimik mong ipanalo ang pangarap mo anak

Ervin Santiago - November 05, 2024 - 07:42 AM

Mark Andrew Yulo kay Eldrew: Tahimik mong ipanalo ang pangarap mo anak

Mark Andrew Yulo, Angelica Yulo, Karl Eldrew at Carlos Yulo

IBINANDERA rin ni Mark Andrew Yulo ang pagkapanalo ng anak na si Karl Eldrew Yulo sa JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Pagkatapos i-flex ng nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Angelica ang nasungkit na mga gold medal ni Eldrew, ang tatay naman ng binata ang proud na nag-congratulate sa kanyang nag-champion na anak.

Sa pamamagitan ng Facebook, binati ni Mark Andrew si Eldrew matapos humataw sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG).

Ni-repost ng tatay ni Eldrew ang video clip ng “winning moment” na naka-post sa FB page ng anak na naging dahilan ng pagkapanalo nito sa naturang sports event.

Baka Bet Mo: Magkapatid na Carlos, Eldrew Yulo ‘sureball’ sa 2028 Olympics –Cynthia Carrion

Ang nakalagay sa caption ng post ng nakababatang kapatid ni Carlos, “ELDREW’S FLOOR SHINING MOMENT…

“Let’s take a look at Eldrew’s incredible performance in his floor exercise routine, which showcased his outstanding gymnastics skills and earned him a GOLD MEDAL. #eldrewyulo #kgmanagement.”


Mababasa naman sa FB status ni Mark Andrew ang mensaheng, “Tahimik mong ipanalo ang mga pangarap mo Anak Karl Jahrel Eldrew Yulo.

“Naway gabayan ka nang Maykapal sa inyong mga Laban.

“Dito lang Kame nang Mama mo. Apir!” ang buong post ng tatay ni Eldrew.

Nauna rito, ibinandera rin ng nanay ni Eldrew na si Angelica Yulo ang message niya sa pagkapanalo ng anak sa naturang competition.

Pagbati kay Eldrew ng kanyang nanay, “Competition done.

“Huge congratulations to this young man for adding another 3 gold medals and 1 silver to his collections.

“Congratulations and thank you too to his amazing coach, Reyland Yuson Capellan, thank you also to the japanese coach Munehiro Kugimiya, sir. Jun Basas Esturco mam Rowena Villasis Bautista for bringing the kids to japan for a training camp thru the efforts of KG MANAGEMENT, it helps a lot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And most specially thank you  to the Lord above for keeping my son and the entire team safe. We offer this to You,” mensahe pa ni Angelica gamit ang mga hashtag #ToGodBeTheGlory at #ProudMom.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending