Carlos Yulo may babalikan sa Japan: Sobra ko siyang na-miss!
MAY babalikan sa Japan ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo bukod sa university na nagbigay sa kanya roon ng scholarship.
Planado na ang mga gagawin ni Carlos sa pagbabalik niya Japan very soon kung saan siya nag-training nang halos isang dekada sa pamamagitan ng isang scholarship.
Sey ni Caloy sa panayam sa kanya ng media kamakailan, plano niyang puntahan ang naturang universidad para pasalamatan ang lahat ng opisyal nito na naging bahagi ng kanyang tagumpay.
“Magpupunta po ako sa university po just to say thank you sa support po na binigay nila. And of course po sa scholarship po na nakuha ko before.
Baka Bet Mo: Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa
“Nag-alaga sila so gusto ko pong makita si president po ng university to say thank you po. And of course, mapakita po ‘yang medal,” ang sabi ni Caloy na ang tinutukoy ay ang naiuwi niyang dalawang medalyang ginto mula sa 2024 Paris Olympics.
Samantala, kung may sobrang na-miss naman si Carlos sa Japan, yan ay ang pagkain doon ng masasarap na ramen.
View this post on Instagram
“And siyempre gusto ko ng ramen po. Na-miss ko po yung ramen so baka kumain po ako ng ramen,” ang natatawa niyang pahayag.
Nitong nagdaang October 1, binigyang pagkilala si Carlos ni Japan ambassador to the Philippines Endo Kazuya para sa naging historical na laban niya sa 2024 Paris Olympics.
Mensahe ni Carlos matapos tanggapin ang parangal ni Ambassador Kazuya, “Of course, Japan is really special to my heart.
“And it really helped me to boost my gymnastics and of course my personality as well.
“I’m really grateful for the people [who] I met there. I learned skills, their culture, how they speak, how they move.
“I’m really grateful for that and for the help that they gave me and the knowledge that I acquired now, all the winnings that I accomplished; they have a big effect on that also,” lahad pa ni Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.