Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa | Bandera

Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 07:50 AM

Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa

Gladys Reyes, Christopher Roxas at Christophe Roxas

PROUD nanay na ibinandera ng award-winning actress na si Gladys Reyes ang latest achievement ng isa sa mga anak nila ni Christopher Roxas.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Isang blessing na naman ang natanggap ng pamilya ni Gladys pagkatapos niyang manalo ng Best Actress sa 1st Summer Metro Manila Film Festival 2023 last month.

Idinaan ni Gladys sa kanyang Instagram account ang kanyang kaligayahan nang malamang nakapasok ang anak niyang si Christophe sa ilang nangungunang unibersidad sa bansa.

Magka-college na ang anak nina Gladys at Christopher at nakapasa nga ito sa University of the Philippines, Dela La Salle University at iba pang top schools sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


At bukod pa riyan, proud ding ibinalita ni Gladys na nakatanggap ng scholarship si Christophe sa University of Asia and the Pacific (UA&P).

Ipinost ng Kapuso actress sa Instagram ang certificate na nagpapatunay na binigyan ng scholarship ang anak at nakapasa nga sa ilang pambatong university sa bansa.

Baka Bet Mo: Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Sey ni Gladys sa caption, “Another proud moment as a mom to my son, Christophe @christophe_sommereux!

“Congratulations on being accepted in UP, La Salle and getting a scholarship in UA&P. And congratulations on your graduation from senior high.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


“We love you son! Ecstatic to share these blessings!! Another answered prayer. Thank you dear God!!” ang mensahe pa ng aktres.

Bumaha naman ng mensahe ng pagbati hindi lamang kay Gladys kundi pati na rin sa kanyang anak mula sa mga netizens at sa ilan niyang celebrity friends tulad nina Ryan Agoncillo at Manilyn Reynes.

Bukod kay Christophe, may tatlo pang anak sina Gladys at Christopher,  yan ay sina Grant, Gavin at Aquisha.

Nagpakasal ang celebrity couple noong January, 2004 at hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang kanilang married life.

Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang ‘3Ps’ na sikreto sa 30 years na pagsasama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending