Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang '3Ps' na sikreto sa 30 years na pagsasama | Bandera

Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang ‘3Ps’ na sikreto sa 30 years na pagsasama

Ervin Santiago |October 02,2022
facebook
share this

Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang ‘3Ps’ na sikreto sa 30 years na pagsasama

Ervin Santiago - October 02, 2022 - 08:57 AM

Gladys Reyes, Christopher Roxas ibinandera ang '3Ps' na sikreto sa 30 years na pagsasama

Christopher Roxas at Gladys Reyes

“LODING-LODI” rin kung ituring ng mga kaibigan nilang celebrities ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas kung patatagan ng married life ang pag-uusapan.

In fairness, talagang napanatili ng celebrity couple ang solid nilang relasyon mula nang maging magdyowa sila hanggang ngayong malalaki na ang kanilang mga anak.

In fact, next year ay magse-celebrate na sila ng kanilang 30th year of togetherness at 18 years naman ng pagiging mag-asawa.

Sa panayam kay Gladys sa ginanap na presscon ng NET25 para sa kanilang mga programa, natanong ang Kapuso actress kung ano ang sikreto ng matatag nilang pagsasama bilang mag-asawa.

“Siguro hindi na po ito sikreto, lagi naming sinasabi, unang-una siyempre, panalangin talaga. Tried and tested po yan, yung panalangin,” tugon ni Gladys.

Ibinahagi rin ng magaling na kontrabida ang “3Ps” na malaking bahagi ng pagsasama nila ni Christopher, “Prayers. Patience. Partnership. Yan ang palagi kong sinasabi, yung tatlong P na yan.”

“Tons of patience, kasi hindi puwedeng hindi kayo magkakainisan kahit gaano na kayo katagal o bago man kayo sa isang relasyon. Darating talaga yung point na parang naiinis ka, ayaw mong makita.

“Pero biglang, di ba, after few hours okey na naman, ganyan. Ganu’n lang talaga, eh, wala namang perpektong relasyon,” pagbabahagi pa ni Gladys.

View this post on Instagram

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Pagpapatuloy pa niya, “Ang partnership naman parang negosyo din, di ba? Inaalagaan niyo yung inyong relasyon bago niyo ’ika nga makuha yung tubo nito. At siguro isa rin talaga yung we respect each other’s individuality.

“Sa amin kasi hindi na isyu yung, ‘Oh, patingin ng cellphone mo.’ Wala na pong ganun. Hindi na kami nagtsetsekan ng cellphone because ando’n nga siyempre yung tiwala.

“Kasi para sa akin ibig bang sabihin hindi na yan magluluko dahil tsinitsek mo yung phone niya, di ba? Kung magloloko yan, magloloko, eh. Pero sinong magdadala no’n, di ba, kapag ka nagloko ang isang tao? Hindi lang naman natin sinasabi na yung lalaki lang kasi puwede rin namang yung babae.

“Siyempre di ba makakarma naman kung sino yung magloloko na yon. Kaya sa amin po mas yung tiwala yung nangingibabaw. At saka siyempre po yung faith napakalaking bagay po sa relasyon naming mag-asawa,” pahayag pa ng ng celebrity mom.

Never din daw sila nagkaroon ng eksena na muntik nang maghiwalay kapag dumadaan sa pagsubok ang kanilang relasyon.

“Never naging option yung… kahit gaano ka kainis kahit na yung pagsubok na dumating  sa inyong relasyon ay napakatindi, never na magiging option yung hiwalayan.

“Kasi nga po nakahawak kami do’n sa doctrine namin sa church, eh, na yon ang hindi talaga puwedeng maging option kaya siguro until now ay masasabi ko po at proud ako na parang mas lalo pa yatang tumatag, sumarap ang pagsasama naming mag-aasawa.

“At salamat sa Diyos dahil alam naming isa rin talaga yon sa ipinanalangin namin,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Can you believe it, we’re now on our 29th year of togetherness. On January 2023 we will be celebrating our 30th year of togetherness.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood pa rin sa NET25 ang talk show ni Gladys na “Moments.”

Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Korina sa pagiging tatay ni Mar sa kambal nilang anak: This is now his happiest and most important position to date

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending