Ano nga ba ang matagal nang 'bubog' ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz? Bandera

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Therese Arceo |July 16,2022
share this

Ano nga ba ang matagal nang ‘bubog’ ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

Therese Arceo - July 16, 2022 - 04:57 PM

Ano nga ba ang matagal nang 'bubog' ni Christopher Roxas kay Ogie Diaz?

NAKAKUWENTUHAN ni Ogie Diaz ang mag-asawang sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ukol sa kanilang naging journey bilang mag-asawa.

Marami sa mga netizens ang talagang humahanga sa love story ng dalawa na mahigit dalawang dekada nang magkasama at patuloy na nagiging matatag ang relasyon sa paglipas ng panahon.

“Ang tinitignan namin ‘yung togetherness. 29 years, so isang taon na lang 30 years together na kami,” pagbabahagi ni Gladys Reyes.

2004 nang ikasal silang dalawa ni Christopher kaya 18 years na silang mag-asawa at 11 years naman silang naging magkasintahan.

Sa totoo lang, bihira ang mga relasyon na nagtatagal lalo na sa showbiz kaya naman hindi na kataka-taka kung marami ang nagtatanong sa mag-asawa kung ano nga ba ang sikreto ng kanilang matagal na pagsasama.

“Siguro alam lang talaga namin yung gusto namin, yung mga plano. Meron kaming isang salita parati na kapag magkaaway kami, ‘Dito na ba tayo maghihiwalay? Kung hindi rin lang naman tigilan na natin’ kasi sayang oras,” pagbabahagi ni Christopher.

Dagdag pa niya, “Hindi puro saya ko lang dapat. Hindi rin puro saya niya lang. Dapat pareho kaming masaya.”

Ipinunto naman ni Gladys na dapat yakapin ang bawat flaws ng bawat isa.

May mga punto rin talagang may hindi rin sila pinagkakaunawaan pero pinipili pa rin nilang ayusing mag-asawa.

“Buong buhay ko mas pinili ko naman siya kaysa sa karera ko e. Kumbaga, parati akong nasa likod lag. Kaya wala akong career sa showbiz na talagang pinursigi dahil mas pinili ko siya,” amin ni Christopher.

Naikuwento rin ng dalawa na noong 2012 ang talagang naging malaking dagok sa kanila dahil noong mga panahon na yun ay hindi pa rin talaga alam ng aktor kung ano nga ba ang nais niyang tahaking karera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christopher Roxas (@christopherroxas)

Marami siyang sinubukang trabaho habang hinahanap kung ano nga ba ang gusto niya gaya ng pagiging caregiver, contruction worker, hanggang sa nabigyan siya ng opportunity sa Monacco at doon na nagsimula ang kanyang pag-aaral na maging chef.

Dito ay na-on the spot ni Christopher ang talent manager ukol sa matagal na niyang himutok sa kaibigan.

“Bakit hindi mo akong ginawang talent?” diretsong tanong nito kay Ogie. “Nag-a-apply ako sa kanya, TV5, kami ni Aiko magkasama.”

Namula naman si Ogie sa hindi inaasahang tanong ni Christopher ukol sa hindi niya pagkuha dito na maging talent.

“Ay hindi. Kapg sobra kong close, katulad ngayon may kamag-anak akong gustong mag-artista, sabi ko ‘Wag na, magkakasira lang tayo kapag hindi tayo nagkaintindihan. Wag ako’,” sagot ng talent manager.

Dagdag pa niya, “Kapag naumpisahan ko na yung friendship talaga, hindi ko na… kasi masisira, e. Lalo na kapag pera, naku, ayaw ko nang isyu yan.”

Natatawang singit naman ni Gladys, “Naku! Salamat naman na-settle yan. Ilang taon na niya yang bubog. Ilang taon na niya yang kinikimkim.”

Nilinaw naman ni Christopher na hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob at curious lang talaga siya sa naging dahilan ng kaibigan.

Related Chika:
Gladys ibinandera ang halos 3 dekadang relasyon nila ni Christopher Roxas: Yes, it’s possible, it wasn’t easy but…

Korina sa pagiging tatay ni Mar sa kambal nilang anak: This is now his happiest and most important position to date

Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending