Katrina binalikan ang hirap bilang inang may anak na na-diagnose ng ASD

Katrina Halili at Katie
NAPAKARAMING challenges ang hinarap ng Kapuso actress na si Katrina Halili sa pagkakaroon ng anak na may mild autism spectrum disorder o ASD.
Aminado si Katrina na hindi talaga madali ang mag-alaga at magpalaki ng ng batang may ASD pero talagang kinarir niya ang pagiging nanay ng nag-iisang anak na si Katie.
Nagkuwento ang aktres hinggil sa mga pinagdaanan niya bilang ina sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, lalo na nu’ng una niyang nadiskubre na may ASD si Katie, ang anak niya sa singer na si Kris Lawrence.
“Nu’ng mga almost three years old po siya, wala siyang eye contact ‘pag tinatawag siya.
“Sabi nu’ng doctor niya na ipa-check ko daw kasi walang eye contact, tapos basta mga ganu’n ‘yung mga symptoms niya. Tapos ‘yun nga na-diagnose na po siya na meron,” ang pagbabahagi pa ni Kat.
Baka Bet Mo: Aubrey sinisi ang sarili sa pagkakaroon ng ASD ni Rocket: Sabi ko, ‘Ako ba ‘yan? What did I do? Yung genes ba namin?
Patuloy pa niya, “Ako siyempre sinunod ko kung ano ang kailangan niya, therapy, ganyan.”
View this post on Instagram
Ayon pa sa Kapuso star, may mga pagkakataon noon na parang hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil sa pagka-overwhelm sa mga nangyayari kay Katie.
“Medyo mahirap po kapag hindi mo talaga inaral parang maguguluhan ka na lang.
“May times dati na naiiyak ako na hindi ko nakakasama ‘yung anak ko, ang gulo-gulo, nagta-tantrums nang bonggang bongga. Mahirap pero kailangang tanggapin mo,” aniya pa.
Nagpapasalamat daw siya na napakalaki ng development ni Katie na nahihilig ngayon sa musika.
“Ngayon sobrang okay na siya, okay na siyang kasama, masarap siyang kasama, masarap siyang kausap. Sobrang sweet!
“Sobrang proud ako sa kanya at tsaka happy ako kasi ‘yung mga kagaya ni Katie dapat may outlet sila, so happy ako na meron siyang ginagawang iba.
“Mahilig siya sa music, mahilig siyang kumanta. Ayan nagmo-mall show-mall show pa siya kasi sa school pinaaral nga siya kasi mahilig siyang kumanta, ‘yung school nila nagmo-mall show, di ba gustong-gusto mag-perform,” pagbabahagi pa ni Katrina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.