Candy Pangilinan ibinuking ang anak na si Quentin, huling-huling tulog habang nasa online class
NAKAKAALIW nag latest update ng actress-comedienne na si Candy Pangilinan sa ganap ng kanyang anak na si Quentin.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang larawang ipinadala ng teacher ni Quentin na kuha habang ito’y nasa kalagitnaan ng online class.
“Pinadala sa akin ng teacher. He attended classes. Mas buking lang kung natutulog ka ngayon. Lalo na kung hihiga ka sa sofa at pinapa-quiet mo pa yung nang gigising sa iyo,” pagbabahagi ni Candy.
Dagdag pa niya, “Okay lang yan nak. Gusto mo naman mag class. Di mo lang kinaya.”
Kuwento pa ni Candy, bago pa man magsimula ang online class ni Quentin ay naka-log in na ito ngunit nang magsimula na nag klase ay hindi na nito nakaya pang labanan ang antok at tuluyan na ngang nakatulog.
Umabot na nga sa mahigit reactions at shares ang naturang post ng aktres.
Kitang-kita naman sa comment section na marami sa mga netizens ang nakaka-relate lalo na ang mga mommies.
Baka Bet Mo: Candy umaming hindi na alam ang gagawin kung minsan kapag sinusumpong ang anak na may ADHD: You can cry, but…
“Struggle ko din yan s Isa s mga twins ko nong nagsisimula pa lng Ang class, Ang hirap pabangunin s umaga, unlike don s Isa na pagkasabi pA lng n a school time na bangon n agad. Face to face pa nmn kami.. kaya mo yan Quentin,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Same din po mommy Candy Pangilinan ng son ko, madalas matulog s classroom pag mag activity na cla. School is life but tulog is lifer.”
“Ang cute mo tlga Quentin,, love you,,, quiet nga nman at may ntutulog, it make sense , right,” sey naman ng isa.
Bukod rito ay marami ring pumuri kay Candy sa kung paano niya naha-handle ang kanyang anak na may special needs pati na rin sa ibang parents na may kaparehas na sitwasyon.
“Kudos s mga parents na may mga anak n ganyan ang case…super parent/parents po kyo nasa inyo po ang lubos n pag hanga ko….. God bless you all po,” sabi ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “So proud of you. mothers sa pag alaga sa mga anak na special needs..God bless po.”
Related Chika:
Candy itinuturing na ‘himala’ ang anak na si Quentin: He’s my ticket to heaven
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.