Candy matapos mag-viral ang ‘breakdown’ video: ‘It felt good na umamin’

PHOTO: Instagram/@candypangilinan
IBINANDERA ng actress-comedienne na si Candy Pangilinan ang kanyang pasasalamat sa netizens na nagpahayag ng suporta.
Ito ay matapos mag-viral ang recent video kung saan makikitang siya’y emosyonal at tila nag-breakdown na, habang sinusumpong ng matinding pagta-tantrums ang kanyang anak na si Quentin.
“After posting that, I was scared,” pag-amin niya, ayon sa ulat ng ABS-CBN.
Patuloy niya, “But I realized marami ang makaka-relate na it is natural to get tired. It is okay to get tired. It felt good umamin na we get tired— ‘wag lang susuko.”
Baka Bet Mo: Candy umaming hindi na alam ang gagawin kung minsan kapag sinusumpong ang anak na may ADHD: You can cry, but…
“That was when I realized when I read comments na there are a lot of people going through a lot of things. It is okay to get tired and we are human,” saad pa niya.
Kilala si Candy bila isa sa mga ina na hinahangaan at tinatawag na “supermom,” pero ayon sa kanya ay hindi ito madali, lalo na’t may kasama itong pagod at mga pagkakataong nasasaktan din.
“They keep saying I am supermom and accidentally na record ko— I showed them the human side. Hindi sila nag-iisa, napapagod din ako,” wika niya.
Esplika pa ng aktres, “Napapagod tayo pero ang importante hindi susuko…[What keeps me going is] pagiging nanay, because we are needed. We have to go on.”
Ang video ay nag-viral kasabay ng pagdiriwang ng Autism Awareness Month, ngunit para kay Candy, ito ay tungkol sa kung paano sila tatanggapin.
“It is autism month, lagpas na tayo sa awareness. Acceptance na tayo,” saad niya.
Paliwanag pa niya, “We need to learn to accept. If the family or parents do not learn to accept, problema, what more people around us. We are aware of autism, ADHD, but are we ready to accept them to be part of the community. Makatabi natin, makausap.”
Sa isang vlog na ini-upload noong April 1, mapapanood ang isang matinding tagpo kung saan hindi na napigilan ni Candy na mapaiyak habang pinagsasabihan si Quentin.
Ito ay dala na rin ng labis na emosyon at pagod bilang isang magulang.
“Pagod na nga kasi si Mommy. Tama na. Pwede bang makinig ka na? Napapagod na ako eh,” pahayag ng celebrity mom sa kanyang anak habang umiiyak.
Tila apektado rin si Quentin sa nakita niyang pagluha ng ina kaya’t mas lalo rin itong naging emosyonal.
Sa huli, naging maayos naman ang lahat at naipakita ni Candy kay Quentin ang kanyang kahinaan na ayon sa kanya ay naging mabisang paraan para mas maunawaan siya ng anak.
“Parents can get tired but we can never give up. I just showed Quentin how vulnerable I can be. It’s working. He is trying to help,” pagtatapos ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.