TVJ mananatili sa 'Eat Bulaga', Maine Mendoza babay na? | Bandera

TVJ mananatili sa ‘Eat Bulaga’, Maine Mendoza babay na?

Therese Arceo |April 01,2023
facebook
share this

TVJ mananatili sa ‘Eat Bulaga’, Maine Mendoza babay na?

Therese Arceo - April 01, 2023 - 11:11 PM


TALIWAS sa mga naunang balita patungkol sa mga original hosts ng “Eat Bulaga” na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o mas kilala bilang TVJ, mananatili pa rin ang tatlo bilang parte ng programa.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” na uploaded nitong araw, isang source ang nagsabi sa kolumnistang si Cristy Fermin na patuloy na mapapanood ang tatlo sa longest noontime show.

“Mayroong kwento sa isang kampo na hindi raw po aalis ang Tito, Vic and Joey (TVJ) sa Eat Bulaga. Wala raw pong matatanggal sa mga host,” pagbabahagi ng kolumnista.

Ngunit sa kabila ng pananatili ng longtime hosts ay mukhang mamamaalam naman si Maine Mendoza.

“Pero may isa na sinasabing mawawala. Confirmed na raw, si Maine Mendoza. At alam naman natin ang dahilan, noon pa man sinasabi niya na ito ay bilang preparasyon sa kanyang pag-iisang dibdib naman ni Congressman Arjo Atayde” pagpapatuloy ni Cristy matapos sabihing manabatili ang TVJ.

Kuwento pa niya, maging ang Kapuso sitcom nito kasama s Vic Sotto nac”Daddy’s Girl” ay nag-last taping na kamakailan.

Matatandaang nitong Marso lang nang maging usap-usapan na magkakaroon ng malaking pagbabago sa longest noontime program at kabilang na nga roon ang maarong pag-alis ng TVJ sa programa bilang pagsuporta kay Mr. Tuviera.

Ngunit ngayon ay tila naayos na ang internal problem ng “Eat Bulaga” kaya naman patuloy na mapapanood ang tatlo maging ang iba pang host ng programa.

Sabi nga ng TVJ, hangga’t may “Eat Bulaga.

Related Chika:
Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

TVJ mananatili sa ‘Eat Bulaga’, Maine Mendoza babay na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending