Isabelle Daza isinilang na ang ika-3 baby nila ni Adrien Semblat sa Hong Kong | Bandera

Isabelle Daza isinilang na ang ika-3 baby nila ni Adrien Semblat sa Hong Kong

Ervin Santiago |March 28,2023
facebook
share this

Isabelle Daza isinilang na ang ika-3 baby nila ni Adrien Semblat sa Hong Kong

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 12:47 PM

Isabella Daza isinilang na ang ika-3 anak nila ni Adrien Semblat sa HK

Isabelle Daza kasama ang kanyang 3rd baby

NANGANAK na ang TV host-actress na si Isabelle Daza sa ikatlong baby nila ng asawang si Adrien Semblat.

Isinilang ni Isabelle ang kanilang 3rd baby nitong nagdaang March 23 ngunit ngayong araw lamang, March 28, nila ito in-announce sa publiko sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram page, ibinalita ng celebrity mom ang good news kalakip ang ilang litrato nila ng sanggol na kuha sa loob ng kanyang hospital room.

Kasama rin niya sa mga photos ang asawang si Adrien, pati ang mga kaibigang sina Raymond Gutierrez at Georgina Wilson na personal talagang bumisita sa kanilang mag-ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabelle Daza (@isabelledaza)


Sey ni Isabelle sa caption, “03/23/2023 at 23:03.” Aniya, nangangak siya via Cesarean Section sa Hong Kong, kung saan na sila naka-base ngayon ni Adrien kasama ang dalawa pa nilang anak na sina Baltie at Valentin.

Baka Bet Mo: Isabelle inulan ng batikos dahil sa suot na ‘vaccinated’ cap; insensitive at iresponsable raw

Hindi pa binabanggit ni Isabelle ang pangalan ng bagong silang na baby kaya abangers pa rin ang kanyang mga fans about this.

Noong March 11, humingi ng suggestions ang TV host at aktres kung anong magandang ipangalan sa ikatlo niyang baby.

Isa sa mga nag-reply sa kanya ay ang inang si Gloria Diaz, na nagsabing, “My favorite name LAVINIA…. but if its a boy definitely not lavinio K.”

Sa darating na September 10 magse-celebrate na sina Isabelle at Adrien ng kanilang 7th wedding anniversary.

Life hugot ni Isabelle Daza na ‘don’t go broke tryin’ to look rich’ umani ng iba’t ibang reaksyon: Walang basagan ng trip

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending