Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads...'Eat Bulaga is here to stay'; Alden naiyak sa pagbabalik-EB | Bandera

Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads…’Eat Bulaga is here to stay’; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Ervin Santiago |March 13,2023
facebook
share this

Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads…’Eat Bulaga is here to stay’; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Ervin Santiago - March 13, 2023 - 11:43 AM

Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads...'Eat Bulaga is here to stay'; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Tito Sotto, Joey de Leon at Vic Sotto

GOOD news sa lahat ng Dabarkads all over the universe! Siguradong mananatili pa rin sa GMA 7 ang
“Eat Bulaga” pati na ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Yan ang ibinalita ng dating senador na si Tito Sen nang nakachikahan ni Korina Sanchez sa programa nito sa NET25 na “Korina Interviews.”

“We’re there, ‘Eat Bulaga’ is there, Tito, Vic, & Joey,” ang diretsahang sagot ng veteran TV host at public servant sa tanong ni Korina tungkol sa tunay na estado ng kanilang noontime show.

Patuloy pa niya, “Siguro, ‘yung mga lumalabas na kuwento at kung ano-ano, hindi ko na ia-address dahil kung ano-ano na ‘yung lumabas, eh.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


“Perhaps the important thing to say is, ‘Eat Bulaga’ is here to stay and we’re there to stay,” ang paniniguro pa ni Tito Sen sa lahat ng mga Dabarkads.

So, ibig sabihin, walang katotohanan ang naglalabasang chika na tatanggalin na ang TVJ sa “Eat Bulaga” pati na ang ilan pa nilang co-hosts at papalitan na ang titulo nito.

Natalakay din sa panayam ni Korina ang pagsisimula ng longest-running noontime show sa bansa at kung bakit tumagal ito ng mahigit apat na dekada sa ere.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


Sey ni Tito Sen, super hands-on kasi sila sa programa simula pa noong pilot episode nila, “The name ‘Eat Bulaga,’ was coined by Joey. He owns it. Ganu’n ‘yun, eh. The song was created by Vic, he owns it.”

Baka Bet Mo: Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Alden Richards nang mapanood siya uli last Saturday sa “Eat Bulaga.”

Hindi napigilan ng Asia’s Multimedia Star ang maging emosyonal sa muli niyang pagtungtong sa “EB” stage. Ilang buwan din siyang hindi napanood sa programa dahil sa sunud-sunod niyang projects sa GMA 7.

Nang matanong kung anong feeling niya sa pagho-host muli sa “Eat Bulaga,” “Siyempre masaya! Ang tagal ko ring hindi nagawa ‘to. Nakaka-miss talaga lalo na ang Dabarkads.”

“Naiyak ako eh. Actually kanina medyo naiyak lang talaga ako noong pagpasok ko ng dressing room tapos niyakap ko sila.

“Medyo matagal din akong nawala talaga. Naramdaman ko ‘yung tagal ng panahon pero ngayon, I am back, Dabarkads!” mensahe pa ni Alden.

Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending