Joey de Leon sa isyu ng pandaraya sa Pinoy Henyo: 'Ang parusa n'yo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach' | Bandera

Joey de Leon sa isyu ng pandaraya sa Pinoy Henyo: ‘Ang parusa n’yo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach’

Ervin Santiago |February 19,2023
facebook
share this

Joey de Leon sa isyu ng pandaraya sa Pinoy Henyo: ‘Ang parusa n’yo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach’

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 10:34 AM

Joey de Leon sa isyu ng pandaraya sa Pinoy Henyo: 'Ang parusa n'yo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach'

Joey de Leon, Vic Sotto at Tito Sotto

WALA pang official statement ang “Eat Bulaga” sa kontrobersyal na Valentine episode ng “Pinoy Henyo” last February 14 kung saan inakusahan ng pandaraya umano ang dalawang contestants.

Tinanggal na sa YouTube channel ng Kapuso noontime show ang video ng pinag-uusapang segment  dahil nga sa reklamo ng mga nakapanood dito laban sa nanalong mga contestant.

Pero may mga netizens na nakapag-save nito at ipinost sa TikTok at Facebook kaya mabilis na kumalat at nag-viral. Ang ending, matinding pamba-bash ang inaabot ngayon ng dalawang contestants.

Kitang-kita kasi sa video ang walang tunog na pagbigkas ng babaeng contestan sa salitang “stomach” na siyang pinahuhulaan sa kanyang partner na lalaki.

Bukod dito, binigkas din ng male contestant nang walang tunog ang “Abra”, ang isa pang salita na pinahulaan sa kanila sa “Pinoy Henyo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Sa gitna ng nasabing kontrobersya, pinatutsadahan ng “Eat Bulaga” Dabarkads ba sina Ryan Agoncillo at Miles Ocampo ang mga nandaya umanong contestants noong February 15.

“Kapag nahuli po, susuntukin sa stomach. Susuntukin lang naman, kaya bawal ang coaching, alright?” ang birong pahayag ni Miles.

“Kung ayaw n’yong masikmuraan, umayos kayo!” hirit naman ni Ryan.

Kasunod nito, sa February 17 episode ng noontime show, si Joey de Leon naman ang nagparinig sa nangyaring dayaan sa “Pinoy Henyo”.

“Sa isang laro, ano ang ginagawa mo para mawala yung saya o yung fun? Kapag ikaw ay nandaya. Kapag nagtsi-cheating ka sa isang game, wala na yung fun,” pahayag ni Joey.

Sundot naman ni Allan K, “Pati ikaw, madi-dishearten sa ginawa mo.”

Sey uli ni Joey, “Akalain ninyong itong ‘Pinoy Henyo,’ e, pasukan ng mga mandaraya? Kaya inuulit natin, totoo yan, kahit anong laro pa yan, kapag nandaya kayo, wala nang fun!”

“Totoo nga yung pandaraya, may fun, fundaraya. Pero hindi dapat… no cheating,” aniya pa.

Sumingit din si Jose sa usapan nina Joey at Allan K, “Hindi na masaya. Kaya ang dapat sa mga ganyan, hindi namin kayo tatantanan!”

At sa huling bahagi ng segment, nagsalita uli si Joey, “Naaalala ko lang yung mga nandadaya. Nabanggit niyo yung snake. Ang parusa niyo magiging snake kayo, gagapang kayo gamit ang inyong stomach.”

Sa ngayon, hindi pa rin nagsasalita ang dalawang contestants tungkol sa mga paratang sa kanila habang patuloy ang pagkondena ng publiko sa kanilang ginawa.

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending