Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads! | Bandera

Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!

Ervin Santiago |October 10,2021
facebook
share this

Maja naiyak sa pa-birthday surprise ng Eat Bulaga: Ang sarap maging Dabarkads!

Ervin Santiago - October 10, 2021 - 12:57 PM

Maja Salvador

NAPALUHA si Maja Salvador sa bonggang pa-surprise na inihanda ng “Eat Bulaga” Dabarkads kahapon para sa kanyang kaarawan.

Nagdiwang ng 33rd birthday ang actress-dancer at bagong Dabarkads nitong nagdaang Oct. 5 at super happy ang dalaga nang gulatin siya ng mga kasamahan sa noontime show.

Habang ginaganap ang segment na “DC2021: Maja On Stage,” in-announce ng mga Dabarkads na sina Allan K, Wally Bayola at MJ Lastimosa ang ikaapat na grupo na magpe-perform daw para sa finals ng “Lick It Challenge.”

Ngunit nanlaki ang mga mata at napanganga si Maja nang biglang bumulaga sa screen ang kanyang BFF na si Pooh at ang half-sister niyang si Jessy Salvador. 

Nakipaghatawan ang aktres sa dalawa para sa “Lick It Challenge” at kasunod nga nito ay binati na siya ng komedyanteng si Pooh, “Last ko sa Eat Bulaga noong 2003, mga sing-along master, naglaro kami rito. 

“Ang daming pinagdaanan bago tayo mapunta rito. Happy birthday! Basta tuloy lang ang pangarap, tuloy lang ang trabaho, kapit-kapit lang,” sabi pa ng stand-up comedian.

“Good health and happiness in life. I love you,” ang birthday wish naman ni Jessy sa kapatid.
Ito naman ang mensahe ni Maja sa bonggang sorpresa ng “Eat Bulaga” para sa kanyang kaarawan,  “Surprise talaga! Thank you, Dabarkads! Surprise talaga ha. Thank you po. hindi ko mahanap yung mga tamang words.”

Tuluyan nang naiyak ang aktres nang mapanood ang video greeting ng inang si Thelma Linklater na nasa Canada ngayon.

“Gusto ko lang po batiin ang aking loving and very caring na daughter na si Maja. Wish ko sa iyo, anak, good health and happiness. Alam ko, nandiyan si Rambo (Nuñez, boyfriend ni Maja) na lagi mong nakakasama, nagpapasaya at ang family niya na alam kong mahal na mahal ka nila,” ang sabi ni Thelma sa anak.

Pagbabalik-tanaw pa niya, ” Alam mo, anak, masaya ako na nakikita na naman kita na sumasayaw at sa pinakamasayang show ng tanghalian, sa Eat Bulaga, dahil ‘yan lang ang napapanood natin noong bata ka. 

“Di ba, sabi mo, ‘Mama, gusto ko ring sumayaw, sana makita rin ako sa TV. Kaya, di ba, nangarap din ako na isali kita sa ‘Little Miss Philippines’? Nagtanong-tanong pa nga tayo, namomoblema pa nga ako kung saan tayo kukuha ng gown.

“Alam mo na, kapos tayo noon, parang hirap tayong abutin ang mga pangarap mo noon. Pero ngayon, lahat ng pangarap mo, unti-unti mo na silang nakakamit, anak. 

“Ayan na, isa sa Eat Bulaga, ang nagbukas ulit ng iyong pintuan. Masayang-masaya ko, sobra. Hindi lang ako kundi ang buong mundo kasi marami kang napapasaya.

“Ang wish ko sa ‘yo, anak, alagaan mo nang mabuti ang health mo kasi ‘yan pa rin ang number one. Alam kong bising-busy ka, pero bigyan mo ng time ang iyong sarili,” lahad pa ng nanay ni Maja.

Pahayag naman ng bagong Dabarkads, “Isiniwalat na niya ang pagiging kontesera ko noong aking kabataan.

“Thank you, Eat Bulaga, kasi nami-miss ko talaga yung mama ko. Kasi, yearly, pumupunta kami ng Canada to visit her. But, siyempre, sa sitwasyon natin ngayon, hopefully, yun ang wish ko this year, sana madalaw ko na kasi magdadalawang taon.

“Salamat, mother, di mo naman sinabi, talagang grinab mo ang opportunity, nag-monologue ka. Thank you!” sey pa ng aktres at dancer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feel na feel namang isinigaw ni Maja sa buong universe ang mga katagang, “Ang sarap maging Dabarkads!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending