PINABULAANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang maling impormasyon na ipinakakalat ni Anakalusugan Representative Mike Defensor kaugnay ng pagtaas ng singil sa buwis sa lungsod. Ayon kay City Attorney Orlando Casimiro, fake news at panlilinlang ang ginagawa ni Defensor. Aniya pa, ang tinutukoy ni Defensor na buwis ay ang pagtataas sa assessed value […]
PUMALAG ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa hirit ng transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatlong pisong dagdag pasahe. Ayon kay Attorney Ariel Inton, ang presidente ng LCSP, sa halip na tatlong piso, piso lamang ang dapat na maging fare increase. Masyado kasi aniyang mabigat sa bulsa […]
NOON pang Oktubre 5 sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng P1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit. Sinabi ni Sec. Leonor Briones, kabuuang P910 milyon ang inilaan para sa nabanggit na benepisyo. Aniya ito ay maliit na paraan para kilalanin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro para maipagpatuloy ang pagbibigay karunungan kahit […]
NAGHAIN ng panukala sa Mababang Kapulungan si House Deputy Speaker Rufus Rodriguez para ipagbawal na ang ‘substitution of candidacy’ kapag tapos na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa darating na eleksyon. May hiwalay din na inihain na panukala ang kinatawan ng Cagayan de Oro City para naman maging mandatory ang pagbitiw sa puwesto […]
HINULI ang isang lalaki sa NAIA Terminal 2 matapos baligtarin nito ang watawat ng Pilipinas. Nahaharap na sa mga kasong paglabag sa Republic Act 8491 at unjust vexation si Jay-ar Beril, tubong Jose Dalman, Zamboanga del Norte. Sa ulat, alas-9 ng umaga noong araw ng Linggo nang mapansin ni APC2 Ismael Rivera ang isang lalaki […]
INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na magpasa ng ordinansa o resolusyon para sa pagpapasara ng lahat ng mga pampubliko o pribadong sementeryo o libingan sa nalalapit na Todos los Santos. Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng MMC na pagtibayin ang […]
MAS tumindi pa ang pangamba ng mga Filipino sa kasalukuyang pandemya dulot ng COVID-19, base sa Social Weather Station (SWS) survey. Sa survey na isinagawa noong Setyembre 12 hanggang 16, kung kailan sumisirit ang COVID 19 cases sa bansa, umakyat sa 60 porsiyento ng 1,200 respondents ang naniniwala na titindi pa ang pandemya. Ito ay […]
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra COVID-19. Ayon sa Pangulo, batid niya na marami pa rin ang ayaw magpabakuna. Solusyon niya, akyatin ang bahay at turukan habang natutulog. Sa ganitong paraan, sinabi ni Duterta na makukumpleto na ang istorya. “Magpabakuna. Alam ko marami pang […]
NAGKASUNDO ang Metro Manila mayors na iksihan na ang curfew hours sa Metro Manila. Ayon kay Metro Manila Council chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, simula sa October 13, ipatutupad ang curfew hour mula 12:00 ng hatinggabi hanggang sa 4:00 ng umaga. Sa kasalukuyan, nagsisimula ang curfew ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng […]
MAHIGPIT na naka-monitor ang Palasyo ng Malakanyang sa lagay ng Tropical Storm Maring. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon nang naka-standby fund ang Department of Social Welfare and Development na P128 milyon. Bukod dito, sinabi ni Roque na mayroon na ring 373,737 na food packs na nagkakahalaga ng P219 milyon. Sinabi pa niyang naka-deploy […]