Metro Manila LGUs hinikayat na isara ang mga sementeryo sa Undas | Bandera

Metro Manila LGUs hinikayat na isara ang mga sementeryo sa Undas

- October 13, 2021 - 03:52 PM

File Photo

INAPRUBAHAN ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon na humihikayat sa mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila na magpasa ng ordinansa o resolusyon para sa pagpapasara ng lahat ng mga pampubliko o pribadong sementeryo o libingan sa nalalapit na Todos los Santos.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng MMC na pagtibayin ang resolusyon na ipinatupad noong Undas ng nakaraang taon kung kailan isinara ng halos isang linggo ang mga libingan.

Hinihikayat ngayong taon na isara ang mga sementeryo at libingan mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Paalala pa ni Abalos, lilimitahan sa 30 porsiyento ng kapasidad ng mga libingan ang mga bilang ng mga maaring dumalaw sa mga puntod sa partikular na oras.

Kailangan din umanong mahigpit pa ring sundin ang minimum health protocols.

Kaugnay naman sa pagsasagawa ng burol, lamay at libing sa nabanggit na petsa, ayon kay Abalos, susundin pa rin ang alintuntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending