Manila North Cemetery naglabas ng guidelines for ‘Undas’ 2023

Manila North Cemetery naglabas ng guidelines ngayong ‘Undas’ 2023

Pauline del Rosario - October 26, 2023 - 08:41 AM
Manila North Cemetery naglabas ng guidelines ngayong ‘Undas’ 2023
INQUIRER file photo/Noy Morcoso

ILANG araw nalang, muling dadagsa ang mga tao sa mga sementeryo upang bigyang-pugay ang mga yumao nilang mga mahal sa buhay ngayong undas.

Kaya naman ang Manila North Cemetery, naglabas na ng guidelines para sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon sa inilabas na anunsyo sa pamamagitan ng Facebook post, bukas ang main gates ng nasabing sementeryo mula 5:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. ng October 30 to November 2.

Sinabi rin ng management na ang pagbuburol at cremations ay suspendido simula October 28 hanggang November 2.

Baka Bet Mo: Mga besh, knows n’yo bang may bago nang guidelines bago mag-abroad?

Sa kabilang banda, ang paglilinis, pagpipintura at renovation ng mga libingan ay pinahintulutan lamang hanggang nitong nakaraang October 25.

Sinabi rin sa advisory na ang opisina ng Manila North Cemetery ay magpapatuloy sa mga aktibidad sa November 3.

Bukod diyan, pinaalalahanan din ng pamunuan ang mga sumusunod na bagay na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo simula October 28 hanggang November 2:

  • Alcoholic beverages
  • Flammable materials
  • Firearms and sharp objects (knives, cutters)
  • Videoke, or other devices that cause loud sounds
  • Playing cards, bingo cards, or other gambling paraphernalia

Hindi rin pwede ang mga vendors o nagtitinda sa loob ng sementeryo simula October 28 hanggang November 2.

Samantala, kasabay ng mga non-working holidays nitong October 30, at November 1 at 2 ay sinuspinde na rin ang “expanded number scheme” sa mga motorista.

“Planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho,” paalala pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa social media.

Dagdag pa, “Hangad ng MMDA na maging ligtas ang inyong mahabang bakasyon.”

Read more:

Rey Valera sa sementeryo naisulat ang 2 hit song; ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ maraming winasak na relasyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending