Rey Valera sa sementeryo naisulat ang 2 hit song; ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ maraming winasak na relasyon
DALAWA sa mga classic hit songs ng hitmaker at OPM legend na si Rey Valera ay isinulat niya sa loob ng isang sementeryo.
Yan ang isa sa mga naging rebelasyon ng veteran at award-winning singer-songwriter nang makachikahan siya ni Boy Abunda sa “Fast Talk” kahapon, August 2.
Kuwento ni Rey, tambay daw talaga siya sa sementeryo noong kabataan niya kaya kapag nakahanap siya ng pagkakataon ay doon siya sumusulat ng mga kanta.
Isa raw sa mga dahilan kung bakit sa sementeryo siya pumupunta noon ay para hindi siya mahagilap at mautusan ng mga gawain sa bahay.
View this post on Instagram
Sa isang barangay daw sa Meycauayan, Bulacan siya nakatira noon, “Nakikitira lang ako sa kamag-anak. Siyempre kapag nakikitira ka lang sa kamag-anak mo, papel mo boy, inuutus-utusan.
“Para ‘di ako mautusan, pumupunta ako sa sementeryo para gumawa ng kanta, doon kasi tahimik,” chika ni Rey.
At dalawa nga sa mga hit songs niya ay naisulat niya habang nagmumuni-muni sa sementeryo – yan ay ang “Maging Sino Ka Man” at “Naaalala Ka.”
Samantala, naikuwento rin niya kay Tito Boy na pinagsisisihan niya kung bakit naisulat pa niya ang kantang “Kung Tayo’y Magkakalayo,” na isang hugot song tungkol sa paghihiwalay.
View this post on Instagram
“Kasi kapag mayroong lumalapit sa akin na, ‘Ay alam mo, paborito namin yung kanta mong ‘Kung Tayo’y Magkakalayo.’ Sabi ko, ‘ano, nagkahiwalay kayo?’ ‘Oo, sir.’
“Di ‘ba, imagine ang dami mo palang nasirang relasyon (dahil sa kanta),” sey pa ni Rey.
“Kasi na-realize ko lately na lang siyempre, medyo matanda-tanda na tayo, ang kanta ay nakakaapekto sa psyche at sa pananaw natin sa buhay.
“Kaya parang nai-internalize natin, kaya minsan naia-act out natin yung kanta,” dugtong pa niyang chika.
Osang naging inspirasyon sa paghahanap ng asawa ang mga kanta ni Rey Valera: ‘Pero nabigo ako!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.