Rey Valera pinagsisihan kung bakit naisulat pa ang kantang ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’: ‘Parang may nagawa akong kasalanan’
MARAMI ang nasulat na kanta ng prolific songwriter na si Rey Valera. Talagang tumatak sa masa ang kanyang mga awitin na nagpapakita ng kanyang pagiging henyo sa pagsulat ng mga songs.
Of course, he was asked kung ano sa kanyang mga kanta ang kanyang all-time favorite.
“Malayo pa ang Umaga. Hanggang ngayon ako ‘yun. Hindi ninyo natatanong medyo senti ako sa Pilipinas. Kamukha ninyo, gusto ko ring umasenso ang Pilipinas.
“Pero alam ko malayo pa tayo. Pero somehow umaasa ka pa rin. Hindi nawawala ang hope mo. Minsan gusto kong maging cynical pero nandoon pa rin ‘yung hope.
View this post on Instagram
“For me, ‘yung kantang ‘yun ay nagre-represent ng feeling ko para sa mga kababayan natin,” say ni Rey sa grand mediacon ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” kung saan tampok ang 10 niyang likhang awitin.
As the interview went on, Rey revealed na mayroon siyang kantang pinagsisisihan.
“May isa lang akong pinagsisisihan na ginawang kanta, ‘yung ‘Kung Tayo’y Magkakalayo.’
“Kapag kasi may lumalapit sa akin na nagkahiwalay daw sila, tatanungin ko, ‘ang theme n’yo ba ay ‘yung ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’?’ Oo daw.
“Kasi, later ko na lang na-realize na ang mga kanta palang ginagawa naming mga songwriter ay may epekto ‘yan sa isip ng ating mga kababayan.
“Ikaw ang dahilan kujng bajkit nagkahiwalay ‘yung dalawa, eh, dahil naisabuhay nila ‘yung nasa isip nilang kanta.
“Parang ‘yung kantang ang mamatay ng dahil sa ‘yo. Inaano tayo na ibigay ang buhay para sa ano, d’ ba? Ganoon din ang kantang ‘Kung Tayo’y Magkakalayo.’
“Bagama’t hindi mo nararamdaman na maghihiwalay kayo, konting ano, parang mararamdaman mong magkakahiwalay kami. ‘Yan, pinagsisisihan ko ‘yang kantang ‘yan hanggang ngayon. Parang may nagawa akong kasalanan,” paliwanag niya.
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino ‘nanggagalaiti’ kay Miss Planet International Maria Luisa Valera: Wala kayong modo, sobrang bastos!
Napanood namin ang movie at ang ganda ng pagkakatahi ng kuwento ng buhay ni Rey bilang isang songwriter. Maganda ang pagkakadirek ni Joven Tan. Ilang beses na pinalakpakan ang ilang eksena sa movie.
May trivia pa. Alam n’yo bang isinulat niya ang “Ako Si Superman” para kay Rico J. Puno pero tinanggihan ito ng Macho Guwapito?
View this post on Instagram
May story ang bawat likhang kanta ni Rey at ang “Maging Sino Ka Man” pala ay kuwento ng isang sex worker sa sementeryo na buong husay namang ginampanan ni Rosanna Roces sa pelikula.
Kahit na ganoon siya, nagawa pa siyang mahalin ng sepulturero na ginampanan ni Dennis Padilla na noong tumanda na ay naging si Ronnie Lazaro. Kaya pala “Maging Sino Ka Man” ang title ay dahil minahal si Dennis si Rosanna maging sino man siya.
At may ginawa palang kanta si Rey para sa mga beki, ang “Walang Kapalit”.
Magaganda ang iba pang kanta na binigyan ni Rey ng buhay kaya naman tiyak na makaka-relate ang manonood nito.
Produced by Saranggola Media and directed by Joven Tan, the movie is one of the official entries in 1st Summer MMFF (Abril 8-18, 2023).
Tampok sa movie, in alphabetical order, sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Christopher de Leon, Lolot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso and Gardo Versoza.
Tom Rodriguez hindi raw bakla sabi ni Rey Abellana: Hindi ko pinaniniwalaan ‘yan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.