OPM classic na ‘Walang Kapalit’ isinulat ni Rey Valera para sa mga beki; ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’ hahataw na sa 1st Summer MMFF
KNOWS n’yo ba na ang classic song pala na “Walang Kapalit” ay isinulat at kinanta ng OPM legend na si Rey Valera para sa mga beki?
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Yan ang ichinika ng award-winning singer-songwriter sa presscon kahapon ng pelikulang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” sa direksyon ni Joven Tan.
Ang naturang movie ay isa sa walong official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na gaganapin mula April 8 at tatagal hanggang 18, 2023.
Kuwento ni Rey sa members ng entertainment media, request daw iyon sa kanya ng namayapang comedian at TV host na si Ike Lozada.
View this post on Instagram
Bahagi ang ilang detalye ng buhay ni Ike sa “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” na ginampanan ng aktor at direktor na rin ngayon na si Ricky Rivero.
In fairness, winner na winner ang mga eksena nina Gardo Versoza at Aljur Abrenica sa pelikula na talagang pinalakpakak ng manonood sa special screening ng movie kagabi sa Cinema 6 ng Gateway Mall.
Sina Gardo at Aljur ang nag-represent sa kantang “Walang Kapalit”. Sa kuwento, ginagampanan ni Aljur ang karakter ng stuntman na gustung-gustong sumikat bilang artista. Ang role naman ni Gardo ay ang beking nagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.
Fun fact lang mga ka-BANDERA, sina Gardo at Aljur ay parehong gumanap na Machete noon na una namang ginampanan sa pelikula ni Cesar Montano.
Samantala, todo pasalamat naman si Rey kay Direk Joven Tan, “Malaking bagay ito hindi lang sa akin. May statement na ginawa si Direk dito, na ang buhay ng isang nerd o isang introvert, puwede palang gawing pelikula.
Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino ‘nanggagalaiti’ kay Miss Planet International Maria Luisa Valera: Wala kayong modo, sobrang bastos!
Kuwento pa ng OPM icon, “Nu’ng ginagawa ni direk ‘yung script, sabi ko mayroong libro. At halos lahat naipakita sa pelikula.”
“Hindi lang si Asiong Salonga o si Ben Tumbling. Kaya Direk, masasabi ko, thank you so much at napaka-intellectual ng movie na ito.
View this post on Instagram
“Pag-uwi ko, saka ko na-realize ang hirap na ginawa mo para balansehin lahat. Hindi isang maliit na bagay. Hindi madali. Kaya du’n ko na-appreciate lahat yun,” aniya pa.
Ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” ay mula sa Saranggola Media. Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing na siyang gaganap na Rey Valera, Gelli de Belen, Christopher de Leon, Rosanna Roces, Lotlot de Leon, Rico Barrera, Josh de Guzman, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro at Gian Magdangal.
Ka-join din sa movie sina Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Biboy Ramirez, Arman Reyes, Ariel Rivera, Lloyd Samartino, Shira Tweg at Lou Veloso.
Bukod sa “Walang Kapalit” at “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”, ang ilan pa sa mga Rey Valera songs na tampok sa pelikula ay ang “Maging Sino Ka Man,” “Kung Kailangan Mo Ako,” “Pangako,” “Ako Si Superman,” “Mr. DJ,” “Tayong Dalawa,” “Malayo Pa Ang Umaga,” at marami pang iba.
Rey PJ Abellana hindi pa rin pinapansin ni Carla, umaasang magkaayos pa sila ni Tom
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.